Dahil dito, madalas lechon paksiw o pinainit na barbeque ang ulam everyday after Christmas hanggang Media Noche. Nakakasawa? No worries! Kaya-kaya mo yang diskartehan at i-level up with MAGGI® MAGIC SARAP® para maging bagong ulam ang leftovers niyo.
For example, pwede mong gawing Lechon Fried Rice o Pinakbet ang leftover lechon. Ayan at marami pang iba ang pwede mong subukan sa All-in-ONEderful Christmas leftover recipes namin:
Pasko! Paksiw! Pasko! Paksiw! Isa pang paboritong gawin sa leftover lechon ang Paksiw na Lechon. Hindi lang ito swak sa panlasa ng pamilya, hindi rin ito mabilis masira dahil sa niluto ito sa suka. Sisiguraduhin ng MAGGI® MAGIC SARAP® na dagdag sarap at aroma ang sa paksiw mo.
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 6 cloves bawang, crushed
- 1 pc sibuyas, chopped
- ¾ kg boneless lechon, cut into pieces
- 1 pc dahon ng laurel
- ¼ cup suka
- 2 cups tubig
- ¾ cup lechon sauce
- 1 sachet MAGGI® MAGIC SARAP®
- ¼ tsp pamintang durog
- ¼ cup brown sugar
Steps:
- Igisa ang bawang, sibuyas, lechon, at dahoon ng laurel sa vegetable oil.
- Ihalo ang suka, tubig, at lechon sauce at pakuluin.
- Lagyan ng MAGGI® MAGIC SARAP®, paminta, at brown sugar.
- Ilipat sa serving plate at ihanda.
Patok na patok sa ating mga Pinoy ang sinangag. Bukod sa mabilis at madaling gawin, pinagsasama nito ang sarap ng ulam at kanin. All-in-one talaga! Kaya siguradong mag-e-enjoy ang pamilya kapag hinalo mo ang paborito nilang lechon sa Lechon Fried Rice.
Ingredients:
- 1 cup leftover lechon, chopped
- 2 tbsp vegetable oil
- 4 cloves bawang, minced
- 1 sibuyas, chopped
- 2 pcs kamatis, chopped
- ½ cup carrot, diced
- 4 cups day old rice
- 2 pcs itlog, beaten
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 2 tbsp lechon sauce
- 2 tbsp spring onion, sliced
Steps:
- Igisa ang lechon sa vegetable oil hanggang maging golden brown. Tanggalin ang sobrang mantika at itabi.
- Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis, at carrot sa ginamit na mantika. Idagdag ang tirang kanin at lutuin nang dalawang (2) minuto.
- Iusog ang kanin sa gilid para gumawa ng bilog sa gitna at ilagay ang beaten eggs. Haluin.
- Lagyan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at ng leftover lechon sauce. Idagdag spring onion at haluin. Ilagay sa serving plate at ihain.
Back to healthy eating naman tayo pagkatapos ng Christmas! Ihalo ang leftover lechon sa gulay para busog na, malusog pa ang pamilya. Swak itong Pinakbet with Lechon dahil sa nutrients ng gulay at sarap ng lechon.
Ingredients:
- 1 cup leftover lechon, chopped
- 2 tbsp vegetable oil
- 2 cloves bawang, minced
- 1 pc sibuyas (medium), sliced
- 2 pcs kamatis, sliced
- 1 tbsp bagoong alamang
- 1 ½ cups tubig
- 1 cup kalabasa, cubed
- ½ cup okra, sliced
- ½ cup sitaw, sliced
- ½ cups ampalaya, sliced at rinsed well
- 1 cup eggplant, sliced
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
Steps:
- Igisa ang lechon sa vegetable oil hangang maging golden brown. Itabi ang sobrang mantika.
- Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis, at bagoong sa ginamit na kawali. Lagyan ng tubig at pakuliin nang limang (5) minuto.
- Idagdag nang paisa-isa ang kalabasa, okra, at sitaw. Idagdag ang ampalaya, eggplant, at lechon at pakuluin muli nang limang (5) minuto.
- Lagyan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at itabi sa tamang pinggan.
More leftover lechon recipe for you! Para siguradong hindi mauulit ang ulam, try this Binagoongang Lechon recipe. Siguradong mapapa-wow sila sa sarap!
Ingredients:
- ½ cup vegetable oil
- 3 pcs talong, sliced
- 4 cloves bawang, minced
- 1 pc sibuyas, chopped
- 2 pcs kamatis, chopped
- 2 pcs siling haba (green), sliced
- 3 tbsp bagoong alamang
- 2 tbsp suka
- ½ kg leftover lechon, cut into serving pieces
- 1 cup tubig
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 1 tbsp brown sugar
- 1 pack 125ml Nestle® All Purpose Cream
Procedure:
- Iprito ang talong sa vegetable oil hanggang maging golden brown. Tangalin at itabi ang sobrang mantika.
- Maglagay ng 2 tbsp ng mantika at igisa ang bawang, sibuyas, kamatis, chili, at bagoong. Lagyan ng suka, idagdag ang lechon, at lutuin.
- Lagyan ng tubig, ipakulo, at lagyan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at asukal.
- Maglagay ng Nestlé® All Purpose Cream, haluin, at pakuluin muli. Ilipat sa serving plate at ihain.
Sopas with Lechong Manok
Di lang lechong baboy ang madalas napaparami. Suki din ang lechong manok sa leftover list natin.
Alam mo ba na pwede mong i-magic ang leftover lechong manok mo para maging sopas? Yes, your read it right! Kasama ng sobrang macaroni pasta niyo at iba pang ingredients, so good and so wonderful talaga ang Sopas with Lechong Manok. Nagulat ka, noh? Mas magugulat at mai-impress ang pamilya mo. Try this recipe na hinanda namin!
Ingredients:
- 2 cups leftover lechong manok
- 6 cups tubig
- 2 tbsp vegetable oil
- 4 cloves bawang, minced
- 1 pc sibuyas, chopped
- ¾ cup elbow macaroni pasta
- ½ cup carrot, chopped
- 2 sachet MAGGI® MAGIC SARAP®
- 1 cup repolyo, chopped
- 1 pack 125ml Nestlé® All Purpose Cream
Steps:
- Himayin ang lamang ng leftover lechong manok at itabi ang mga buto.
- Pakuluin ang buto manok nang sampung (10) minuto. I-strain at itabi.
- Igisa ang bawang at sibuyas at haluin ang broth. Lagyan ng macaroni at carrot at pakuluin nang sampung (10) minuto.
- Lagyan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at idagdag ang Nestlé All Purpose Cream. Ilagay ang shredded chicken at repolyo. Haluuin nang mabuti at ilipat ang sopas serving plate.
Mac and Keso de Bola with Ham
All-time favorite ng kids ang cheese at ham mapa-Noche Buena man o hindi. Kaya gamit ang leftover kesa de bola at ham niyo, mas masaya ang merienda nila with Mac and Keso de Bola with Ham!
Ingredients:
- ¼ kg elbow macaroni
- 3 tbsp unsalted butter
- 4 cloves bawang, minced
- 1 cup ham, diced
- 1 cup tubig
- 1 pack Nestlé® All Purpose Cream
- 1 cup keso de bola, grated
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
Steps:
- Pakuluin ang pasta ayon sa direksyon na nakasulat sa packaging.
- Igisa ang bawang at ham sa unsalted butter. Dagdagan ng tubig at ng Nestlé® All Purpose Cream.
- Haluin, dagdagan ng keso, at lagyan MAGGI® MAGIC SARAP®.
- I-drain ang pasta at ihalo sa nagawang sarsa.
- Ilipat sa serving plate at ihain.
BBQ Fried Rice
Masarap na alternative rin sa nakasanayan nating sinangag ang BBQ Fried Rice. Tanggalin ang leftover barbeque sa stick para lutiin kasama ng kanin at iba pang ingredient. May sarap na ito ng paborito n’yong barbeque, sigurado pang busog ang pamilya sa kanin.
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 4 cloves bawang, minced
- 1 pc sibuyas, chopped
- 1 cup leftover BBQ, chopped
- 4 cups day old rice
- 2 pcs itlog, beaten
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- ½ cup carrot, blanched and diced
- 1 cup lestugas, chopped
- 1 tbsp spring onion, sliced
Steps:
- Igisa ang bawang, sibuyas, at BBQ sa mantika.
- Idagdag ang kanin at lutuin nang dalawang (2) minuto.
- Iusog ang kanin sa gilid para gumawa ng butas sa gitna at ilagay ang beaten eggs. Haluin nang mabuti.
- Lagyan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at lutuin hanggang uminit. Ilagay ang carrot, letsugas, at spring onion.
- Ilipat sa serving palte at ihain.
Gawing Christmas-Masaya ang Pamilya Pagkatapos ng Pasko
Hindi naman kailangan magtiis ng pamilya sa paulit-ulit na ulam o pagkain pagkatapos ng Noche Buena. Basta may diskarte, walang masasayang na leftover sa kusina. Kayang-kaya mo pang i-level up ang sarap nito gamit ang mga recipe na ito at ng MAGGI® MAGIC SARAP®.