Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

Find an Article

1.
Pumili ng pagkaing mataas sa protina

Fun fact: Ang protein ay isang “macronutrient” - ibig sabihin kailangan nating kumain nang marami nito. Isa ito sa mga building blocks ng ating buto, muscles, balat, at dugo. Dahil sa dami ng functions ng protein sa katawan, importanteng makain natin ito sa almusal pa lang.

 

Madali lang siguraduhin na may mataas na protein content ang almusal niyo. Ilan sa mga pagkain na mayaman sa protina ay ang itlog, karne, isda, peanut butter at gatas. Gamit ang mga ingredients na ito, marami ka nang magagawang variations ng almusal!

2.
Alamin kung mayaman ito sa fiber

Isa sa effective na pampabusog ang fiber. Madalas din itong nirerekomenda kapag may digestive system issues ang isang tao. Dahil sa haba ng tulog mo, malaki ang chance na gutom na gutom ka paggising mo. Kaya pag kumain ka ng fiber-rich food, mas matagal bago ka magutom para sa tanghalian, at mas may lakas kang gumalaw at magtrabaho. Sabi ng experts, ang recommended daily intake ng fiber ay nasa 20-25 grams per day—umpisahan ang pagkain nito sa inyong almusal!

 

Tulad ng protein, madali lang ding haluan ng fiber ang pagkain mo. Ilan sa mura pero mayaman sa fiber ay karot, kamote na may balat, whole grain cereals at saging.

3.
Maglagay ng prutas at gulay

A balanced diet is a healthy diet! Isa sa mga pinakamadaling paraan para gawing balanced ang almusal niyo ay ang pagdagdag ng mga prutas at gulay dito. Hindi lang ito okay na pampalasa, ang mga prutas na tulad ng saging, orange, mansanas, at mangga ay mataas din sa fiber! O diba, makukuha mo rin ang fiber content dito.

 

Ang gulay naman ay pwedeng gawing side dish o ihalo sa kanin, tulad ng kamatis at patatas. Kung gusto mong mag-experiment, pwede ka ring gumawa ng smoothie gamit ang mga prutas at gulay sa bahay. Pwede mo pang baunin para may juice ka on the go!

4.
Siguraduhing healthy fats ang nasa pagkain

Madalas nating naririnig na masama ang taba para sa katawan pero may tinatawag din na healthy fats na mabuti para sa atin. Isa ang fat sa essential macronutrients na kailangan natin para makamit ang isang balanced diet.

 

Paano makakasiguradong “healthy” ang taba sa pagkain? Makukuha ito sa mga natural sources tulad ng mani at isda. Kung bibili ka ng pre-packaged food, tignan ang nutritional information. Iwasan ang mga matataas sa saturated fat o trans fat dahil ito ang mga hindi nakabubuti para sa katawan.

5.
Gumamit ng fresh ingredients

Mas okay na fresh ang ingredients na lulutuin mo para sigurado kang healthy at delicious ang iyong almusal. 

6.
Mix it up!

Iba-ibahin ang mga lulutuing almusal para hindi ka mabilis magsawa. Konting changes lang din ang kailangan mong gawin, tulad ng ibang side dish o ibang juice, para mas masabik kang kumain sa umaga.

7.
Mag-explore ng iba pang breakfast recipes

Kung gusto mo pa ng mas maraming tips at mga breakfast recipes kagaya ng Luncheon Meat Fried Rice, All-in-One Tortang Corned Beef at Ham and Cheese Omelette, tignan ang aming blog para sa mga pwede mong ihanda sa umaga!

8.
Kumpletuhin ang sarap!

Gumamit ng MAGGI® MAGIC SARAP® para sa mas nakakasabik na almusal! Walang makaka-hindi sa pagkain sa mesa kapag mabango at katakamtakam ang nakahain. Kaya magluto gamit ang MAGGI® MAGIC SARAP®, ang All-in-ONEderful na pampalasa para sa iyong lutuin.

 

Dahil importanteng kumain ng healthy breakfast, siguraduhing may almusal para sa buong pamilya araw-araw. Gamit ang MAGGI® MAGIC SARAP®, siguradong aabangan ng buong pamilya ang almusal ninyo kada umaga. Ito ang kumpletong pampasarap at katulong mo sa pagluluto ng mga delicious at nutritious na ulam araw-araw.