Maraming paraan para makapaghain ng masasarap na pagkain na swak sa budget mo. Expert mom ka man sa pagluluto o nagsisimula pa lang hasain ang iyong cooking skills, itong mga cooking on a budget tips and tricks na hatid ng MAGGI® ang sagot sa problema mo sa kusina.
Bago mamalengke o mag-grocery shopping, mag-set ka na ng initial budget para sa pagkain ng buong pamilya. I-review kung magkano ang nagagastos mo tuwing namimili at tignan kung saan ka puwedeng makatipid.
Gawing habit ang pagba-budget para makatipid sa bilihin. Dito mo rin mapa-practice ang iyong cooking skills at pag-iisip ng masasarap na lutuin na pasok sa budget mo.
Hindi mo kailangang iwasan ang anumang klase ng karne para lang makatipid. Oo, malaki ang matitipid mo ‘pag puro isda at gulay, pero iba pa rin ang linamnam at nutrition ng karne.
Puwedeng-puwede mo pa rin ‘tong idagdag sa grocery list mo kahit you’re on a budget! Ang secret? Bawasan mo lang o kaya pumili ka ng karneng ‘di kamahalan, tulad ng pecho o paa ng manok, giniling na baboy, kasim at pigue, at iba pa.
Puwedeng ¼ o less lang ang bilhin mo (para tipid), tapos bumawi ka nalang sa ibang sahog gaya ng gulay para kasya pa rin sa buong pamilya. Piliin mo rin ang cuts na pasok sa kahit na anong luto. O ‘diba, achieve!
Dahil nakalista na ang mga bibilhin mo, mas madali mo nang mapagku-kumpara ang presyo ng ingredients sa palengke o grocery store. Pero kung tight ang budget at naghahanap ka ng paraan para mapag-kasya ang pera mo, puwede kang mag-check ng substitute para sa ilang mamahaling ingredients.
Halimbawa, tulad ng Sinigang mix o anumang seasoning mix, may mga mixture na mura nga, pero kailangan mo ng ilang pakete para lumabas ang tamang asim at sarap na gusto mo. Puwede mo ‘tong palitan ng affordable pero quality na brand na kayang pasarapin ang ulam gamit ang isang pakete lang. Mas tipid, ‘di ba? Tanungin mo na rin sila kumare at kumpare kung anong ginagamit nilang substitute sa isang partikular na ingredient para makatulong sa’yong pamimili.
Minsan hindi nauubos ang mga niluto nating ulam. Okay lang i-reheat ang ulam for the next day. Pero ano pa nga bang puwede mong gawin dito para hindi naman mapanis sa ref? This is your chance na magpaka-Masterchef! Gamitin ang iyong creativity and next-level diskarte para gawing “bagong” ulam ang tirang pagkain.
Halimbawa, ang iyong leftover na adobo ay puwedeng maging almusal para bukas. Ihain mo ito nang may itlog at sinangag na kanin (adobosilog) o puwede ring gawing tuyong adobo para sa pananghalian. Tipid ka na, mas pinasarap level-up pa ang sarap!
Kapag kulang tayo sa oras, madalas nalilimutan na nating gawin ang pinaka-importanteng step sa pagluluto: basahin ang buong recipe.
May mga pagkakataon na sinimulan mong mag-luto pero sa kalagitnaan, na-realize mong diced pala dapat ang hiwa ng sibuyas, o may na-skip kang step sa process (e.g., i-marinate ang chicken). As a result, hindi na-achieve ang masarap sana na ulam o nasayang lang ang ingredients at oras mo. Kaya bago mo simulan magluto, basahin mo muna at pag-aralan ang tipid ulam recipes mo!
Para sa kumpletong pampasarap sa mga lutong bahay, wag kalimutang gumamit ng MAGGI® MAGIC SARAP® para level up ang lasa ng ihahain mo sa pamilya. Ang granules nito ay gawa sa fresh onion and garlic, kasama ng real meat at iba pang spices, kaya nakasisiguro kang mas pinasarap level-up ang sarap ng ulam!
Kulang ba sa sahog o panlasa ang niluluto mong ulam? Pritong ulam man yan o sinabawang gulay, budburan ng isang kurot ng MAGGI® MAGIC SARAP® ang iyong niluluto para mabigyan ito ng buhay. Mura na, dagdag sarap at aroma pa!
Affordable and all-in-onederful meals kapag may MAGGI® MAGIC SARAP®!
Sa pagluluto, hindi kinakailangan ang mamahaling ingredients para masabing masarap ang pagkain. Anuman ang iyong budget, ang importante ay ang makapaghain ng pagkain na masara at makapagbibigay ng tamang sustansiya kahit simple at mura lamang ito. Kailangan mo lang ng tig-isang kutsarang creativity at diskarte!
Looking for more incredible cooking tips? Basahin ang iba pang blog posts ng MAGGI®! With MAGGI® MAGIC SARAP®, pwede mong bigyan ng sariling flavor ang iyong luto at pasarapin ang anumang ulam. Ito ang iyong secret weapon na makapaghahatid anghel sa labi ng iyong loved ones!