Kahit saang probinsiya ng Pilipinas ka ata magpunta, mayroong sikat na soup-based dish kang matitikman. Malasa man ang ating mga Filipino soup favorites, kaya mo pa itong mapa-level up gamit ang MAGGI® MAGIC SARAP® na may sarap ng fresh onion at garlic plus real meat and spices. I-enjoy ang mga soup dishes na ito na may dagdag sarap at aroma!
Bulalo
Simple lang ang pagluluto ng bulalo—pakuluan ang karne at bone marrow ng baka hanggang sa lumambot ang karne at matunaw ang collagen ng buto sa sabaw. Pwede rin itong dagdagan ng ibang sangkap tulad ng repolyo, patatas, at mais. Alamin ang steps sa paggawa nito gamit ang aming Bulalo Recipe.
Kahit simple lang ang pagluluto ng bulalo ay naguumapaw naman ito sa sarap. Kilala ang bulalo mula sa Batangas, ngunit maraming karinderya sa Tagaytay ang nagbebenta rin nito.
Naihahantulad ang bulalo sa nilaga dahil parehas ang paraan ng pagluluto nito. Ang pagkakaiba ay puwedeng gamitan ng karne ng baboy at manok ang nilaga, samantalang ang bulalo ay ginagamitan lang ng beef shank, o karne ng baka mula sa hita, at bone marrow.
Nilaga
Tulad ng bulalo, simpleng pagpapakulo ng ingredients lang ang kailangan para magluto ng nilaga. Pinaniniwalaang sa Batangas o Tagaytay din ito nagmula dahil na rin sa dami ng nag-aalaga ng baka sa mga nasabing probinsya.
Dahil ito lang ang nag-iisang step sa pagluluto ng sabaw na ito, importanteng lagyan ito ng mga pampalasa tulad ng sibuyas, paminta, at patis o asin. Dalawang klaseng luto ng nilaga ang madalas na niluluto ng mga nanay--ang nilagang gawa sa karne ng baboy o ng baka. Alamin ang tamang paggawa nito sa aming Pork Nilaga Recipe o Beef Nilaga Recipe.
Dinengdeng
Madalas maihantulad sa pinakbet at bulanglang ang dinengdeng ng Ilocos. Mas marami ang ginagamit na gulay at hindi sinasamahan ng isda ang pinakbet; samantalang ang bulanglang Kapampangan naman ay puwedeng gamitan ng iba’t ibang klase ng seafood. Sabi nila, ang mga gulay na ginagamit sa dinengdeng ay mga karaniwang tanim ng mga Ilokano sa kanilang bakuran.
Bukod sa saluyot, malunggay, ampalaya, kalabasa, kalunay, kamote, patola, sitaw, sili, puso ng saging, talong, okra, at iba pang gulay, essential din ang bagoong monamon. Basahin ang ibang guidelines sa pagluto nito sa aming Dinengdeng Recipe.
Papaitan
Isa pang regional dish mula sa Ilocos ang papaitan. Sinasabing nagluluto na ang mga Ilokano ng papaitan bago pa dumating ang Espanyol sa probinsya. Gawa ito sa lamang-loob ng baka o kambing—sa atay o balun-balunan lumalabas ang apdo na nagbibigay ng pait sa papaitan. Alamin ang tamang pagluto nito gamit ang aming Papaitan Recipe.
Utan Bisaya
Isang uri ng sinabawang gulay ang utan o Utan Bisaya na hinahaluan din ng isda. Maraming gulay ang puwedeng gamitin para sa utan depende sa kung ano ang sariwa sa palengke, o kung may sarili kang tanim. Madalas ginagamit ang kalabasa, labong, gabi, sitaw, okra, talong, malunggay, at alugbati. Ipinapares din ang utan sa binlud, isa pang Cebuano dish na pinaghalong dinurog na mais at kanin. Basahin ang aming Utan Bisaya Recipe para malaman ang tamang pagluto nito.
Law-uy
Madalas naipagkukumpara ang utan sa law-uy dahil parehong sinabawang gulay ang dalawang dishes na ito. Ngunit, bukod sa mas kilala ang law-uy sa Mindanao, ginagamitan din ito ng tanglad o lemongrass, di katulad ng utan. Alamin ang iba pang pagkakaiba nito sa utan kapag binasa mo ang aming Law-uy Recipe.
Tinola
Kilala bilang paboritong ulam ni Crisostomo Ibarra (Noli Me Tangere), ang tinola ay hindi lamang ginagamitan ng manok. Puwede mo pang i-level up ang sarap nito at magluto ng pork tinola. Nilalagyan ito ng berdeng papaya, luya, at dahon ng sili. Kung walang berdeng papaya, puwedeng i-substitute ang sayote o upo. Meron ding recipes na gumamit ng pechay, malunggay, mustasa, o spinach.
Dahil paborito ito ng mga Tagalog, pinaniniwalaang nagmula ang sabaw na ito sa isang city o probinsya sa NCR o Region 3 at 4. Depende sa panlasa mo, puwedeng mong gamitan ng karne ng manok or baboy ang iyong tinola. Alamin ang iba’t ibang paraan ng pagluto ng tinola sa aming Chicken Tinola Recipe at Pork Tinola Recipe.
Seafood Tinowa
Di tulad ng karaniwang tinola na maaaring gamitan ng karne ng baboy o manok, ang tinowa ng Visayas ay ginagamitan ng isda o iba pang seafood. Magkaiba rin ang paraan ng pagluto ng dalawa—ang tinola ay ginigisa muna habang pinakukuluan lang ang tinowa. Basahin ang aming Seafood Tinowa Recipe para malaman ang tamang pagluto nito.
Binacol
Kilala ang binacol sa mga probinsya sa Western Visayas tulad ng Aklan. Puno ito ng sarap ng luya at dahon ng sili kaya madalas maihanlintulad ito sa tinola. Ang pinaghalong tubig at laman ng niyog ay ang tunay na nakaka-dagdag sa sarap ng sabaw na ito.
Sinasabing niluluto ang binacol sa loob ng kawayan o bao ng niyog noon—ngunit, mas madali na ang pagluto nito ngayon lalo na’t meron kaming nakahandang Binacol Recipe para sayo.
Pesang Bangus
Isa pang sabaw na puno ng flavor ng luya ang pesang bangus—ang kaibahan nito sa tinola ay pechay o bok choy ang madalas na ginagamit na gulay. Bukod sa bangus, puwede ka ring gumamit ng isdang dalag o maya-maya.
Katulad ng tinola, puwede ring gumamit ng pinaghugasan ng bigas para mapalapot at mapasarap pa lalo ang sabaw nito. Basahin sa aming Pesang Bangus Recipe ang buong instructions sa pagluluto nito.
Sinigang
Paano mo raw malalaman na Pinoy ang isang tao? Kung mahilig siya sa sinigang! Saang sulok man ng bansa—at ng mundo—siguradong may Pinoy na sabik sa asim ng sinigang. Global man ang appeal at asim ng sinigang ngayon, sinasabing namang nagmula rin ito sa lugar ng mga Tagalog.
Ang sinigang na marahil ang pinaka-versatile na ulam dahil maaari itong gamitan ng iba’t ibang karne tulad ng baka, pata, isda, salmon, hipon o iba pang seafood, at pati na rin lechon. Bukod dito ay hindi lamang sampalok ang pwedeng pampaasim—sa kasalukuyan ay pwede na ring gumamit ng green mango, kalamansi, santol, kamias, batuan, guava, at miso. Ang iba ay nilalagyan pa ito ng kakaibang twist tulad ng pagdagdag ng gata.
Syempre, nariyan din ang MAGGI® Magic Sinigang Original Sampalok Mix at MAGGI® Magic Sinigang Sampalok with Gabi Mix na magpapa-level up pa sa asim at sarap ng sinigang mo!
Narito ang iba’t ibang version ng sinigang na puwede mong lutuin sa bahay: Sinigang na Pata Recipe, Sinigang na Isda sa Miso Recipe, Fish and Shrimp Sinigang Recipe, Sinigang na Lechon with Gabi Recipe, gang Recipe, Seafood Sinigang Recipe, Sinigang na Salmon Recipe, Sinigang na Sugpo sa Gata Recipe, at Sinigang na Hipon sa Sampalok Recipe.
Filipino Soup Favorites for All Seasons
Siguradong may mga sabaw sa listahan na ito na hindi mo pa nasusubukan. Ang good news ay puwede mong itong ihain ano man ang panahon! Walang pinipiling araw o panahon ang sarap ng lutong Pinoy. Siguraduhing budburan ang iyong mga lutuin ng MAGGI® MAGIC SARAP® upang gawing ALL-in-ONEderful ang mga soup-based dishes na ito!