Sobrang versatile din ng kanin. Yung leftover na plain rice pwede mo rin gawing fried rice para mas mag-level up ang sarap nito. Haluan mo lang ito ng meat at MAGGI® MAGIC SARAP®, iba-ibang version na ng masarap na fried rice ang pwede mong ihain sa mesa.
Siguradong may magugustuhan ang pamilya mo sa fried rice recipe collection na ito ng MAGGI®.
All-in-One Pork Chao Fan
Isa sa pinakamasarap na fried rice ang All-in-One Pork Chao Fan. Dahil sa ingredients nito na karne at gulay, siguradong kanin pa lang, ulam na! Ito rin ang dahilan kaya balanse ang carbs na mula sa kanin at protein galing sa meat at egg. Mas male-level up mo pa ang lasa nito gamit ang MAGGI® MAGIC SARAP®.
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 2 pcs itlog, beaten
- 4 cloves ng bawang, minced
- 1 pc sibuyas (small), chopped
- 100 g giniling na baboy
- 1 pc carrot (small), chopped
- ½ cup tubig
- 2 tbsp MAGGI® Oyster Sauce
- 4 cups kanin
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 2 tbsp ng tubig
- 1 tbsp sliced spring onion
Procedure:
- Mag-init ng mantika sa isang malaking kawali at lutuin ang itlog hanggang bago ito mag-set. Isalin sa platito at itabi muna.
- Sunod na igisa ang bawang, sibuyas, giniling, at carrot. Ihalo ang ½ cup tubig at MAGGI® Oyster Sauce.
- Ilagay ang kanin at budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP®. Mag-buhos ng 2 tbsp ng tubig sa gilid at ilagay dito ang itlog; i-fluff hanggang mag-steam. Idagdag ang spring onion. Isalin sa serving dish at ihain.
All-in-One Hotdog Fried Rice
Siguradong patok sa mga kids ang iluluto mong All-in-One Hotdog Fried Rice dahil nakasahog ang isa sa mga paborito nilang ulam. Nagbibigay ito ng energy dahil sagana ito sa carbohydrates mula kanin at protein galing sa hotdog. Gawin mo pa itong mas nutritious kapag hinaluan mo ng gulay.
Ingredients:
- 4 cloves ng bawang, minced
- 1 pc sibuyas (small), chopped
- 1 pc carrot (small), chopped
- 2 pcs hotdogs, sliced
- 2 tbsp vegetable oil
- 2 pcs itlog, beaten
- 3 cups kanin
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 2 tbsp tubig
- ½ cup repolyo, chopped
Procedure:
- Mag-gisa ng bawang, sibuyas, carrot, at hotdog sa mainit na mantika; ilagay sa tabi at lutuin ang itlog sa gitna ng awali. Haluin hanggang bago mag-set.
- Ihalo ang kanin at timplahan ng MAGGI® MAGIC SARAP®. Mag-buhos ng 2 tbsp ng tubig sa gilid at ilagay dito ang itlog; i-fluff ito hanggang mag-steam. Idagdag ang repolyo.
- Isalin sa serving dish at ihain.
All-in-One Longganisa Fried Rice
Naghahanap ka ba ng variety sa karne? Bukod sa hotdog, pwede mo ring i-try ang fried rice with longganisa. Balanced meal din All-in-One Longganisa Fried Rice dahil sa pinaghalong karne ng longganisa at kanin. Fat, proteins, at carbohydrates ang ilan sa nutrients na makukuha mo sa dish na ito.
Ingredients:
- 4 pcs garlic longganisa, crumbled
- 2 tbsp vegetable oil
- 4 cloves bawang, minced
- 1 pc sibuyas, chopped
- 2 pcs kamatis, chopped
- 2 pcs itlog, beaten
- 4 cups cooked rice
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 2 tbsp tubig
- 1 tbsp sliced spring onion
Procedure:
- Igisa ang longganisa sa mantika hanggang maluto. Itabi.
- Igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis. Itabi. Sunod na lutuin ang itlog. Haluin hanggang bago mag-set.
- Ihalo ang kanin at budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP®. Mag-buhos ng 2 tbsp ng tubig sa gilid at ilagay dito ang itlog; i-fluff ito hanggang mag-steam. Ihalo ang spring onion.
- Isalin sa serving dish at ihain.
Java Rice
Sa Java Rice recipe na ito naman, kaya mo nang gawin sa bahay ang restaurant-style na fried ric. Dahil sik.at itong ino-oder sa restaurant, siguradong mai-impress ang pamilya kapag hinain mo sa kanila ito.
Ingredients:
- ¼ cup giniling na baboy
- 4 cloves ng bawang, minced
- 1 pc sibuyas, chopped
- 2 tbsp vegetable oil
- ¼ cup banana catsup
- 4 cups day old rice
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
Procedure:
- Igisa ang pork, bawang, at sibuyas sa mainit na mantika.
- Ihalo ang catsup at kanin. Budburan ito ng MAGGI® MAGIC SARAP®.
- Isalin sa serving dish at ihain.
Beef Fried Rice
Hindi lang rin naman pork ang pwede mong ihalo sa fried rice. Masarap na alternative din ang beef lalo na kung gusto mong bigyan ng variety ang pamilya. Subukan mo ang Beef Fried Rice recipe na healthy at tasty at the same time.
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 2 pcs itlog, beaten
- ¼ kg giniling na baka
- 4 cloves ng bawang, minced
- 1 pc sibuyas (small), chopped
- ¼ cup MAGGI® Oyster Sauce
- ¼ tsp pamintang durog
- 4 cups day old rice
- 1 cup togue
- ¼ cup sibuyas Tagalog / sibuyas na mura (sliced)
- 1 tsp sesame oil
Procedure:
- Mag-init ng mantika sa malaking kawali at lutuin ang itlog hanggang bago ito mag-set. Isalin sa platito at itabi muna.
- Igisa ang ground beef, bawang, at sibuyas. Ihalo ang MAGGI® Oyster Sauce at paminta.
- Ibuhos ang kanin, scrambled egg, togue, scallions, at sesame oil.
- Isalin sa serving dish at ihain.
Chicken Fried Rice
Chicken sa fried rice? Yes! Imbes na pork o beef ang halong sangkap, pwede mo ring i-try ng Chicken Fried Rice.
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 2 pcs itlog, beaten
- 4 cloves ng bawang, minced
- 1 pc sibuyas (small), chopped
- 1 cup manok, chopped
- 1 cup packed corn, carrot, and green peas
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 2 tbsp MAGGI® Oyster Sauce
- ¼ tsp pamintang durog
- 3 cups day old rice
Procedure:
- Initin ang 1 tbsp ng mantika sa kawali at ilagay ang itlog. Haluin at iluto. Tanggalin ito at itabi.
- I-sauté ang bawang, sibuyas, manok, at gulay sa mantika. Lagyan ng MAGGI® MAGIC SARAP®, MAGGI® Oyster Sauce, at paminta.
- Dagdagan ng kanin at iluto nang limang (5) minuto. Ilipat sa plato at ihain.
Yang Chow Fried Rice
Kung gusto mo uling sorpresahin ang pamilya, lutuan mo sila ng Yang Chow Fried Rice. Siguradong ikagugulat nila kapag inihain mo patok na restaurant-style fried rice na kayang kaya mong gawin sa bahay. Mataas din ito sa protein content kaya bagay sa kids pati na rin sa adults.
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 2 pcs itlog, beaten
- 4 cloves ng bawang, minced
- 1 pc sibuyas (small), chopped
- ½ cup karot, chopped
- 2 pcs Chinese chorizo, chopped
- 1 cup shrimps (small), cooked
- ¼ cup MAGGI® Oyster Sauce
- ¼ tsp pamintang durog
- 4 cups day old rice
- 1 cup litsugas, shredded
- 2 tbsp sliced spring onion
- 1 tsp sesame oil
Procedure:
- Mag-init ng mantika sa malaking kawali at lutuin ang itlog hanggang bago ito mag-set. Isalin sa platito at itabi muna.
- Igisa ang bawang, sibuyas, karot, chorizo, at hipon. Ihalo ang MAGGI® Oyster Sauce at paminta.
- Ihalo ang kanin, scrambled egg, litsugas, spring onion, at sesame oil.
- Isalin sa serving dish at ihain.
Salted Egg Fried Rice
Gawin mo pang mas special ang fried rice mo. Lutuan at patikimin ang pamilya ng Salted Egg Fried Rice na siguradong bago sa kanilang panlasa. Dahil puno ng malalasang sangkap ang Salted Egg Fried Rice, siguradong magugustuhan ito ng pamilya lalo na kapag dinagdagan mo ng sarap at aroma galing sa MAGGI® MAGIC SARAP®. Siksik din ito sa protein dahil sa itlog.
Ingredients:
- ½ cup hipon na binalatan
- 1 pc chicken breast, chopped
- ¼ cup dried dulong, toasted
- 3 pcs itlog na maalat, chopped
- 2 tbsp vegetable oil
- 2 pcs itlog, beaten
- 4 cups day old rice
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- ½ tsp asukal
- ¼ tsp pamintang durog
- 1 tbsp toyo
- 2 tbsp tubig
- 2 tbsp sliced spring onions
- ½ cup litsugas, shredded
Procedure:
- Igisa ang hipon, manok, dulong, at itlog na maalat sa mantika; ilagay sa tabi at lutuin ang itlog sa gitna ng kawali. Haluin hanggang bago mag-set.
- Ihalo ang kanin at budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP®, asukal, paminta, at toyo. Mag-buhos ng 2 tbsp ng tubig sa gilid at ilagay dito ang itlog; i-fluff ito hanggang mag-steam. Ihalo ang spring onion at litsugas.
- Isalin sa serving dish at ihain.
Aligue Fried Rice
Parang seafood paella ang Aligue Fried Rice kaya naman sure kang papatok ito sa pamilya. Gawa ito sa taba ng talangka na hinaluan ng hipon kaya naman magiging instant favorite ito ng seafood lovers.
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 2 pcs itlog, beaten
- 4 cloves ng bawang, minced
- 1 pc sibuyas (small), chopped
- 2 pcs kamatis, chopped
- ¼ cup taba ng talangka
- 2 pcs kalamansi, juiced
- 1 cup cooked shrimp
- 4 cups day old rice
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- ¼ tsp pamintang durog
- 2 tbsp sliced spring onion
Procedure:
- Mag-init ng mantika sa malaking kawali at lutuin ang itlog hanggang bago ito mag-set. Isalin sa platito at itabi muna.
- Igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis. Ihalo ang taba ng talangka o aligue, kalamansi juice, hipon, at scrambled egg.
- Ihalo ang kanin at budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at paminta. Ihalo ang spring onion.
- Isalin sa serving dish at ihain.
Mas Pasarapin ang Kanin! Kanin ang nagdadala ng bawat meal araw-araw, at isa ang fried rice sa options mo para mas lalong maging masarap ang pagkain ng pamilya mo. Dahil may kanin at ulam dito, nakasisigurado kang sulit ang fried rice dishes.