Dahil gusto ng MAGGI® na All-in-Onederful ang dishes na ihahain mo sa buong pamilya, heto ang diskarte tips namin para malaman mo kung paano pumili ng sariwang karne, gulay at prutas sa palengke!
Meat: Tips Para sa Pagpili ng Sariwang Karne
Ilayo ang iyong pamilya sa panganib dulot ng sirang karne o isda. Siguraduhin na safe ang bibilhin mo sa iyong suking tindahan o palengke gamit ang mga tips na ito.
Baboy
Pink o mala-rosas ang natural na kulay ng sariwang baboy. Iwasan ang ibang kulay tulad ng berde o brown dahil maaaring senyales ito ng pagkabulok. Puwede mo ring pisilin ang karne para malaman kung firm pa rin ito. Tignan din kung puti ang taba at kung ang buto ay mukhang basa ngunit hindi malansa.
Baka
Pula o deep red naman ang kulay ng sariwang baka. Luma at matagal na itong na-expose sa hangin kapag mala-abo o grayish brown na ang kulay nito. Puwede namang maging purplish-red ang baka kapag ito ay vacuum-packed--walang dapat ikabahala rito dahil babalik ito sa pagkapula kapag na-expose na sa hangin.
Giniling na Baka
Mas sirain ang giniling na baka kesa sa mga buong cut nito, lalo na kung mali ang pag-store at pag-package nito, kaya dapat kang maging mas maingat sa pagpili. Dapat mapula ang kulay ng giniling at may mga puting batik ng taba, kung mataba man ang parte na giniling.
Madalas magbago ang kulay ng giniling na baka, pero normal ito. May mga karne na mapula sa panlabas dahil sa oxygen, pero purplish-red sa interiyor kung saan walang hangin. Meron din namang nagiging brown na ang labas kapag matagal ng na-expose sa hangin. Mas maiging lutuin na agad ang ganitong klase ng giniling na baka pagkabili upang hindi mabulok at masayang.
Poultry
Kulay puti o manilaw-nilaw ang balat ng manok habang ang turkey naman ay mamuti-muti o makrema. Siguraduhin na walang depekto ang balat tulad ng exposed flesh o discoloration. Puwede mo namang tanggalin ang maliliit na balahibo gamit ang mga daliri mo o tiyani.
Pink o lavender naman ang kulay ng laman sa ilalim ng balat, depende sa dami ng taba. Dapat walang buto, cartilage, litid, o pasa ang boneless products; habang ang bone-in naman ay dapat flesh at meaty, at walang disjointed o baling buto. Kulay rosas at mukang mamasa-masa naman dapat ang skinless poultry.
Isda
Hindi lahat ay may access sa sariwang isda kaya madalas ay fini-freeze ang mga ito. Tignan ang mata ng isda bago bilhin—dapat malinaw ito at hindi lubog. Makintab dapat ang balat at firm ang laman kapag hinawakan at pinisil mo ito. Kulay pula dapat ang hasang, hindi brown. Kung bibili naman ng fillet, kumuha ng matingkad at firm na walang puwang.
Siguraduhin din na lutuin ang isda sa araw kung kalian ito binili o kinabukasan. Iwasang ibalik ito sa pagkaka-frozen.
Hipon
Tulad ng isda, dapat frozen palagi ang hipon. Bumili ng makintab at firm na hipon, at dapat ay walang discoloration o itim na batik. Kung masangsang ang amoy, ibig sabihin lamang ay sira na ito.
Shellfish
Bumili lang ng tulya, tahong, o talaba na nakasara ang shell at walang tapyas o basag. Itapon ang mga shellfish na hindi bumuka pagkatapos maluto.
Vegetables: Tips Para Sa Pagpili ng Sariwang Gulay
Mae-enjoy mo lang ang tunay na sarap at sustansya ng luto mo kung bibili at gagamit ka ng sariwang gulay. Ito ang ilan sa mga tips sa kung paano i-check ang sariwang gulay mula sa hindi sariwa.
Bawang
Pumili ng plump na bawang at iwasan ang may mga malambot na bahagi at green sprouts.
Carrots
Bumili ng carrots na firm, walang malambot na bahagi, at matingkad na orange ang kulay. Iwasan din ang malambot at malantang ugat.
Kamatis
Iwasan ang mga kamatis na makulubot na ang balat. Pumili lamang ng manamis-namis ang amoy.
Patatas
Bumili ng firm na patatas at pakiramdaman ang balat para masigurong makinis ito at walang malambot na bahagi. Iwasan ang mga patatas na may bugbog at sprouts.
Pipino
Pisilin ang pipino para ma-check kung firm ito. Pumili rin ng pipino na makintab ang balat at walang madilaw na spots.
Repolyo
Mas mainam ang ulo ng repolyo na siksik ng dahon. Suriin ang tangkay nito para malaman kung masinsin ito.
Sibuyas
Pumili ng tuyo ngunit firm at walang malambot na bahagi.
Talong
Makinis at makintab na balat ang balat ng sariwang talong. Medyo malambot din ito at hindi rin sobrang tigas.
Iba pang green leafy vegetables: I-check ang bawat layer para makita kung may lanta o punit na ang ibang dahon. Huwang piliin kung may punit na ang dahon at nagsisimula nang magbago ang kulay nito.
Fruits: Tips Para sa Pagpili ng Sariwang Prutas
Kung gusto mong magbigay ng mas masustansyang alternative sa pangkaraniwang dessert tulad ng cake o ice cream, maghain ng prutas sa buong pamilya. Ito ang ilang tips kung paano makapili ng sariwang prutas.
Mangga
Bumili ng mangga na malambot kapag pinisil at mabango kapag inamoy sa banda ng tangkay.
Mansanas
May pula, berde, at dilaw na kulay ng mansanas; depende sa pangangailangan mo, pumili ng mansanas na may malalim at makintab na kulay. Huwag bumili ng may bugbog o kupi dahil maaaari nitong mapabilis ang pagkabulok ng prutas.
Orange
Mas mainam ang mabigat na orange habang ang balat nito ay dapat makinis at firm. Huwag itong bilhin kung may bahid na ng paninilaw o pamumuti. Kung bibili ng Mandarin oranges, iwasan kung tuyot na ang balat nito.
Pinya
Iwasan ang mga pinyang may malambot na bahagi at nanunuyot na dahon. Para malaman kung matamis na ito, amuyin ang ilalim nito. Kumuha rin ng mabigat-bigat na pinya.
Saging
Kung naghahanap ka ng saging na pwedeng kainin agad-agad, kumuha ng may balat na madilaw. Kapag may brown spots na, senyales ito ng labis na pagkahinog. Lumayo sa mga saging na may bugbog.
Strawberry
Siguraduhing nakakabit pa rin ang cap stem ng strawberry kapag bibili nito. Dapat pula lang ang kulay sa panglabas at walang kakaibang amoy. I-check ang bawat piraso ng strawberry para masiguro na walang durog o bulok.
Ubas
Mas mainam na kumuha ng ubas na nakakabit pa rin sa tangkay at walang kulubot sa balat at discoloration. I-check ang pagka-pintog ng bunga, pati na rin ang bigat nito.
Level Up na Sarap sa Tamang Sangkap
Hindi lang karagdagang sarap ang idinudulot ng paggamit ng sariwang gulay, prutas, at karne sa iyong recipes. Sa pagbili ng high-quality at safe ingredients mula sa mga tindahan at palengke na mataas ang kalidad ng kalinisan, nakasisiguro ka rin na ligtas ang iyong binibili at hindi magdudulot ng sakit sa iyong mga mahal sa buhay.
Kumpletuhin pa ang sarap ng inyong lutuin gamit ang MAGGI® MAGIC SARAP® na puno ng linamnam at aroma ng sariwang bawang at sibuyas. Mag-budbod lamang ng ilang granules ng MAGGI® MAGIC SARAP® sa iyong lutuin—prito man yan o may sabaw—para mabigyan ng bagong buhay at ma-level up pa ang iyong mga paboritong pagkain!