Ang Holy Week ay panahon ng pagninilay para sa nakararaming Pilipino. Parte na nga ng kultura natin ang pag-iwas sa pagkain ng karne tuwing sasapit ang Semana Santa. Paano kung seafood at gulay lang ang available sa kusina? Maaari pa rin bang magluto ng mga ulam na malinamnam? Huwag kang mag-alala dahil kayang-kaya ‘yan sa tulong ng iba’t-ibang MAGGI® products!
From fresh and flavorful seafood to heartwarming and filling soup dishes, meron niyan dito. Tara na at sama-samang matuto ng quick and easy recipes ngayong Kuwaresma.
1. All-In-One Ginisang Ampalaya with MAGGI® Magic Sarap
Para sa una nating recipe, let’s go with a Pinoy classic! Mapa-Holy Week man o araw-araw, hindi mawawala ang Ginisang Ampalaya sa ating hapagkainan. Pero paano ba natin ito All-In-Onederful? Sa bawat budbod ng MAGGI® Magic Sarap mas manunuot ang flavors, spices, at linamnam ng chicken. Kaya nga kahit no-meat ang ulam, paniguradong magugustuhan ito ng buong pamilya, lalong lalo na ng mga bata.
2. Bangus Bistek with MAGGI® Oyster Sauce
‘Di hassle lutuin at mabilis gawin, ‘yan ang dahilan kung bakit go-to ulam nating mga Pilipino ang Pritong Bangus. Kaya kung naghahanap ka ng paraan para gawin itong extra special ngayong Semana Santa, this Bangus Bistek recipe is for you! Gawing mas saucy at mas masarap ang bistek sauce sa tulong ng MAGGI® Oyster Sauce na may tamis-linamnam ng real oysters. Sa tulong nito ang dating simple kaya gawing special ngayong Semana Santa!
3. Veggie Lumpia with MAGGI® Savor Classic
Hindi kailangang gumastos ng malaki para pasarapin ang Holy Week meals ng ating pamilya. Kung hanap mo’y easy at abot-kayang recipe, try this Veggie Lumpia. Crispy sa labas at juicy at puno ng linamnam loob nito dahil sa ginisang gulay. Sa bawat patak ng MAGGI® Savor Classic mas sumasarap at nagiging epic ang ordinaryong lutuin.
4. Seafood Sinigang with MAGGI® Sinigang Mix
Magandang pagkakataon ang Semana Santa para umiwas mula sa oily at fatty foods. Kaya kung hanap mo’y heartwarming recipe na siksik sa Sarap Sustansya, swak itong Seafood Sinigang para sa’yo. Kumpleto ito ng iba’t-ibang yamang dagat gaya ng tahong, hipon, at pusit na paniguradong magugustuhan ng buong pamilya. Madali lang ito lutuin dahil pagsasamahin lang ang mga ingredients sa isang pot at bubudburan ng MAGGI® Sinigang Mix para mailabas hinahanap na asim at linanamnam ng sampalok.
Na-inspire ka ba sa mga recipes at iba’t-ibang paraan kung paano gamitin ang MAGGI® ngayong Semana Santa? Kung oo, mabuti naman! Sa panahon ng pagninilay na ito, kasama ninyo kami hindi lang para pasarapin ang inyong mga lutuin, kundi para palakasin ang isipan at katawan ng inyong buong pamilya. Have a blessed Holy Week! For more Sarap Sustansya recipes, visit www.maggi.ph.