Likas sa kulturang Pinoy ang pagiging mapagbigay. Pilipino lang ata ang nag-uuwi ng kahon-kahon at mga maletang punong-puno ng pasalubong. Kung mapadaan ka sa lugar na may kumakain, yayayain kang makisalo kahit hindi mo kakilala. Kahit butas na ang bulsa at walang-wala na, gagawa pa rin tayo ng paraan para may maibigay sa mga taong malapit sa ating puso. Ilan lamang ang mga ito sa dahilan kung bakit puno ng saya ang Paskong Pinoy. Ito ang panahon ng pagbibigayan, hindi lamang ng regalo kundi ng pagmamahalan. Sa darating na holiday season, tuturuan kayo ng MAGGI® kung paano iparamdam ang Magic ng Pasko with these 5 home-cooked recipes from the heart na perfect pang-regalo.
1.No Bake Macaroni
Sa mahal ng mga bilihin ngayon, kailangan maging praktikal. Perfect ang No Bake Macaroni recipe na ito bilang budget-friendly na pang-regalo. Bukod sa mura ang presyo ng mga ingredients, ginagamit rin natin ang mga ito sa pang araw-araw na pagluluto kaya walang masasayang sa mga sangkap na bibilhin. Simple, hindi kumplikado, at paniguradong masu-surpresa pa ang pagbibigyan mo ng regalo. For more details on how to prepare this dish, click on this link: https://www.maggi.ph/magicalpasko/gifting-collection/.
2.Chicken Macaroni Salad
Sa Pilipinas, itinuturing na iconic Christmas dish ang Chicken Macaroni Salad. Bukod sa masarap itong pagsaluhan, masarap din itong iregalo sa ating kapitbahay at mga mahal sa buhay. Para sa mga sentimental na tao gaya ng mga Pilipino, nakakagalak at nakakataba ng puso ang mga regalong may personal touch. Kung interesado ka sa buong recipe ng Chicken Macaroni Salad, click here: https://www.maggi.ph/magicalpasko/gifting-collection/.
3. White Lasagna
Kung naghahanap ka ng kakaibang regalo na magpapaligaya sa mga kaibigan mo ngayong Pasko, subukan ang White Lasagna na ito. Bukod sa nagbibigay ng kakaibang twist para sa inyong Christmas handaan, rich at comforting rin ito dahil sa rich, creamy flavors. Bagay na bagay ang recipe na ito ngayong season of giving. Mahahanap niyo ang White Lasagna recipe sa link na ito https://www.maggi.ph/magicalpasko/gifting-collection/.
4. Creamy Tuna Dip
Kung special talaga sayo ang pagbibigyan mo ng regalo, iisipin mo kung ano ang makakabuti para sa kanya. Swak ang Creamy Tuna Dip bilang Pamasko dahil puno ng Sarap Sustansya ito. Ang tuna ay sagana sa lean protein na tumutulong sa muscle repair. Mataas rin ito sa Omega-3 fatty acids na nakakatulong magpababa ng risk sa sakit sa puso. ‘Wag niyo na hintayin pang magbagong taon para simulan magpa-healthy. Isama niyo na ang Creamy Tuna Dip sa Christmas list niyo para sa mga loved ones. Get the recipe here https://www.maggi.ph/magicalpasko/gifting-collection/.
Hindi maitatanggi na ang tunay na diwa ng Pasko ay maipapakita sa pagmamahal sa ating kapwa. Isang paraan para maipakita ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo, isang tanda na naalala natin sila. Huwag nating kakalimutan na hindi nasusukat sa halaga ang espesyal na regalo. Ang mga recipes na ito ay patunay na ang pinaka-magandang regalo na maaari nating matanggap ay yung nagmula sa puso. Sama-sama nating gawing Magical Ang Pasko with MAGGI® through these recipes.