Di mo pa ba nakukumpleto ang Noche Buena menu list mo? Check out these recipes na paniguradong winner sa buong pamilya. Oras na para gawing Christmas-masaya ang celebration with the family!
Gawing special ang caldereta ngayong Pasko by switching to tender (Christmas) meatballs gamit ang giniling na baboy. Finally, mayroon ka nang Meatball Caldereta recipe na magiging patok pati sa mga bata. Mas budget-friendly din ito kaysa sa usual beef calderata pero hindi halata dahil masarap. Perfect ito sa handaan dahil sa kulay palang, paskong-pasko na!
Ingredients:
- 4 tbsp vegetable oil
- 1 pc patatas, cubed
- 1 pc sibuyas, chopped
- ½ kg giniling na baboy
- 1 pc sibuyas, minced
- 3 tbsp grated cheese
- 2 sachets 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 6 cloves bawang, minced
- 1 small can liver spread 200 g tomato sauce
- 1 cup tubig
- 1 pc carrot (small), cubed
- 1 pc dahon ng laurel
- 1 pc green bell pepper, diced
- 1 pc small red bell pepper, diced
- 2 tbsp brown sugar
- ¼ cup NESTLÉ® All Purpose Cream
- 1 pc siling labuyo (small), sliced
Procedure:
- Igisa ang patatas at sibuyas sa mantika hanggang sa maging golden brown. Itabi muna.
- Paghaluin ang giniling na baboy, sibuyas, 2 tbsp ng cheese, at ½ sachet of MAGGI® MAGIC SARAP®. Igisa sa natitirang oil at i-set aside.
- Mag-gisa ng bawang, sibuyas, chili, at liver spread sa parehong pan. Isalin ang tomato sauce at maglagay ng tubig. Isama ang meatballs, patatas, carrot, dahon ng laurel, at bell peppers. Hayaang kumulo nang labinlimang (15) minuto.
- Budburan ng 1 tbsp na cheese, brown sugar, at ang sobrang 1 ½ sachets ng MAGGI® MAGIC SARAP®. Isalin sa serving plate at lagyan ng NESTLÉ® All Purpose Cream sa ibabaw for garnish.
Christmas and birthday celebrations share one thing in common: classic Pinoy Spaghetti na puno ng hotdogs and topped with cheese. Hindi puwedeng wala ‘to sa Noche Buena dahil unang-una, best-seller ito sa mga chikiting, at pangawala, you can never go wrong with this kasi paborito ito ng lahat.
Ingredients:
- 4 cloves bawang, minced
- 1 pc sibuyas, minced
- ¼ kg giniling na baboy
- 2 tbsp vegetable oil
- ¾ cup tomato sauce
- ¾ cup banana catsup
- ½ cup sliced hotdog
- ½ cup tubig
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- ¼ cup brown sugar
- ¼ kg spaghetti
- 3 tbsp grated cheese
Procedure:
- Igisa ang bawang, sibuyas, at giniling na baboy sa mantika. Ibuhos ang tomato sauce, catsup, at hotdog. Lagyan ng tubig at ayaang kumulo. Budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at brown sugar at itabi muna.
- Pakuluan ang pasta as instructed sa package direction.
- Salain ang spaghetti at ihalo sa sauce. Ilipat sa serving plate, budburan ng cheese, at i-serve.
Siyempre, no Christmas is complete kapag wala ang flavorful Fried Chicken, lalo na’t partner ito palagi ng Pinoy Spaghetti. Pro tip! I-deep fry ang chicken para ma-achieve ang crispy na balat habang moist and juicy ang loob. Serve it with banana ketchup or your homemade gravy para mas tasty!
Ingredients:
- 1 kg manok, cut into pieces
- 2 sachets 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 1 head bawang, crushed
- ½ tsp pamintang durog
- 1 cup harina, all purpose
- 1 cup vegetable oil
Procedure:
- Budburan ang manok gamit ang MAGGI® MAGIC SARAP®, bawang, at pepper. I-marinate overnight.
- Tanggalin ang bawang at i-coat itong maigi sa harina.
- Prituhin and mga manok sa preheated oil hanggang maging golden brown. Itabi para ma-drain ang excess oil. Pagkatapos, isalin sa serving dish at ihain.
Maiba naman tayo ngayong Noche Buena. Kung gusto mo ng alternative sa inihaw na liempo, try this Crispy Liempo Chips recipe na perfect as pica-pica o ulam sa kanin. Siguradong ‘pag natikman ‘to ng pamilya at kamag-anak mo, hahanap-hanapin na nila ‘to sa mga handaan.
Ingredients:
- ½ cup harina, all purpose
- ½ cup cornstarch
- ½ kg skinless and boneless pork belly, sliced thinly
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 2 tsp asukal
- ¼ tsp pamintang durog
- 2 cups vegetable oil
- 1 pc semi-ripe na mangga, chopped
- 3 pcs kamatis, chopped
- 2 pcs sibuyas chopped
- 4 cloves bawang, minced
- 2 tbsp sweet style bagoong
- 1 tbsp sliced spring onion
Procedure:
- Paghaluin ang harina at cornstarch. Timplahan ang pork gamit ang MAGGI® MAGIC SARAP®, asukal, and ground pepper. I-coat ang liempo nang maigi sa flour mixture.
- Prituhin and liempo sa mainit na mantika hanggang maging crispy at golden brown. Itabi para ma-drain ang excess oil. I-transfer sa serving plate.
- Paghaluin ang mangga, kamatis, sibuyas, bawang, bagoong, at spring onion. Ihain kasama ang Crispy Liempo Chips.
Panalo rin sa panlasa nating mga Pinoy ang palabok tuwing Pasko. Mas pasarapin mo pa ito gamit ang Crispy Palabok recipe na ito. For sure, maraming mapapa-wow sa kakaiba at restaurant-style mong palabok.
Ingredients:
- vegetable oil for deep frying, preheated
- ½ kg hipon, peeled, deveined, and shells reserved
- 3 tbsp vegetable oil
- 4 cups tubig
- 4 cloves bawang, minced
- 1 pc sibuyas, minced
- 2 tbsp ground rice
- 1 tbsp atsuete with lye, soaked in ¼ cup hot water and strained
- 2 sachets 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 2 tbsp patis
- ¼ tsp pamintang durog
- ¼ kg sotanghon, separated
- ¼ cup hinimay na tinapa, toasted
- ¼ cup crushed chicharon
- 1 tbsp toasted garlic
- 1 tbsp sliced spring onion
- 2 pcs itlog, hard cooked and sliced
- 6 pcs calamansi, sliced
Procedure:
- Igisa ang balat ng hipon sa mantika. Durugin ang mga ulo ng hipon para sa dagdag katas ng flavor. Lagyan ng tubig at hayaang kumulo nang sampung (10) minuto. Salain sa strainer at i-set aside.
- Budburan ang hipon ng ¼ sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP®. Igisa sa mantika at isantabi.
- Mag-gisa ng bawang, sibuyas, at ground rice sa mantika. Isalin ang shrimp stock at annatto water. Budburan ito ng natitirang MAGGI® MAGIC SARAP®, kasama ang patis at paminta. Hayaang kumulo sa mahinang apoy.
- Prituhin ang noodles sa mantika. Salain ang excess oil at ilipat sa serving plate.
- Ilagay nang nakapalibot sa noodles ang prinitong hipon, tinapa, chicharon, toasted garlic, spring onion, at itlog.
- Idagdag ang palabok sauce, haluin, and i-serve with calamansi.
Tinamaan din ba kayo ng salted egg craze? Try this Salted Egg Shrimps recipe para sa naglalabang flavors ng alat at seafood. Even better, madali ‘tong lutuin at packed with protein pa ang dish na ‘to!
Ingredients:
- ¼ cup harina, all purpose
- ¼ cup cornstarch
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 2 pcs itlog, beaten
- 1 cup vegetable oil
- 2 tbsp butter
- 4 cloves bawang, minced
- 1 pc siling labuyo, sliced
- 3 pcs pula ng itlog na maalat, mashed
- 1 tsp asukal
- 1 kg malalaking hipon, peeled, butterflied, and deveined
- 1 tbsp sliced spring onion
Procedure:
- Pagsamahin ang harina at cornstarch. Budburan and mga hipon ng MAGGI® MAGIC SARAP®. Ilublob sa beaten eggs at i-coat nang aigi sa flour mixture.
- Prituhin sa mainit na mantika. Salain para matanggal ang excess oil.
- Tanggalin ang oil sa kawali. Ilagay ang butter, bawang, sili, at pula ng itlog na maalat. Lutuin for nang dalawang (2) minuto.
- Budburan ng asukal at isalin ang prinitong hipon. Lutuin hanggang fully coated na ang mga ito. Isalin sa serving plate, budburan ng spring onion, at i-serve.
Crab for Christmas? Bakit hindi para sa fancy ng Noche Buena, ‘di ba? Since Noche Buena naman at it’s the season of giving, pagbigyan mo na ang pamilya nitong buttery and full of flavor Spicy Garlic Crab recipe! The best part? Kayang-kaya mo ‘tong ihain in less than 40 minutes!
Ingredients:
- ¼ cup vegetable oil
- 1 head bawang, minced
- 1 kg alimasag, cleaned and cut into pieces, cracked and removed most of the shells
- ¼ cup cornstarch
- 1 tsp hiniwang luya
- 2 tangkay ng scallions, cut into 2-inch pieces
- 4 pcs whole dried chili
- 2 tbsp Chinese rice wine (optional)
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 2 tbsp MAGGI® Oyster Sauce
Procedure:
- Haluin and oil at garlic sa kawali. Prituhin hanggang golden brown na ang bawang. Salain at i-set aside.
- I-coat ang alimasag with cornstarch at prituhin sa mantika. Tanggalin at isantabi muna.
- Prituhin ang luya, scallions, at sili sa parehong kawali. Isalin ang mga alimasag at toasted garlic. Maglagay ng Chinese rice wine (optional). Budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at haluan ng MAGGI® Oyster Sauce.
- Isalin sa serving plate at ihain.
Anong hinahana-hanap ng lahat tuwing handaan? Lechon! Hindi naman kailangang isang buo. Solve na solve na ang pamilya sa home-roasted Lechon Pork Belly. Ito ‘yung tipong ihahanda mo palang, pinipilahan na!
Ingredients:
- 1 kg whole boneless pork belly
- 2 sachets 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 2 tbsp patis
- 6 cloves bawang, minced
- 2 tangkay ng tanglad, sliced
- 2 tangkay ng scallions, sliced
- ½ cup buko juice
- ½ tsp pamintang durog
- 2 tbsp vegetable oil
Procedure:
- Maghiwa ng mababaw na cuts sa pork belly. I-marinate with MAGGI® MAGIC SARAP®, patis, paminta, bawang, tanglad, scallion, at buko juice overnight sa refrigerator.
- Ilagay ang pampalasa sa gitna ng baboy. I-roll ito at taliin gamit ang kitchen twine.
- Ilagay sa roasting pan kasama ang rack. I-roast sa preheated 350˚F oven nang isang (1) oras. Brush with vegetable oil at hayaan mag-roast for another hour. Pagkatapos, tanggalin sa oven at isantabi nang tatlumpung (30) minuto. Hiwain ang pork into small portions. Isalin sa serving plate at ihain.
Siyempre, hindi mawawala ang inihaw sa Noche Buena tulad nitong Pork Barbeque recipe. Ito yung tipong pagkain na pwedeng papakin habang nakikipag-chikahan sa mga kamag-anak o kainin with rice.
Ingredients:
- ½ kg skinless kasim, sliced
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 1 clove bawang, minced
- 1 tbsp toyo
- 2 tbsp banana catsup
- 2 tbsp brown sugar
- 1 pc siling labuyo, minced
- 2 tbsp vegetable oil for brushing
Procedure:
- Budburan ang baboy ng MAGGI® MAGIC SARAP® at tuhugin sa barbeque sticks.
- Pagsamahin ang bawang, toyo, catsup, asukal, at sili.
- I-coat ang baboy with oil at ihawin nang isang (1) minuto kada side. Brush with barbeque sauce at patuloy ihawin hanggang maluto. Isalin sa serving plate at i-serve with your preferred sauce.
Sino ba namang hindi matatakam ‘pag may nakahain na Crispy Pata? Kung goal mo ang maging best-seller lahat nang ihahain mo ngayong Noche Buena, ‘wag mong kalimutang isali sa menu itong sikat at well-loved na Filipino pork dish.
Ingredients:
- 1 pc large pata
- 1 pc dahon ng laurel
- ¼ tsp pamintang durog
- 2 sachets 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- ¼ cup suka
- 2 tbsp toyo
- 2 cloves bawang, minced
- 1 pc large sibuyas, chopped
- 1 pc siling labuyo, sliced
- ½ tbsp black peppercorn
- 1 tbsp brown sugar
- 8 cups vegetable oil for deep frying
Procedure:
- Pakuluan ang pata sa tubig nang isang (1) oras. Lagyan ng dahon ng laurel, paminta, at MAGGI® MAGIC SARAP®. Hayaang kumulo hanggang maging malambot. Tanggalin ang pata at isantabi. Tanggalin ang pinagpakuluan.
- Para sa sawsawan, paghaluin ang suka, toyo, bawang, sibuyas, sili, paminta, at asukal sa isang mangkok. Isantabi muna.
- I-deep fry ang pata sa mantika hanggang maging crispy. Salain para matanggal ang excess oil. I-chop at i-transfer sa serving plate at ihain kasama ang sawsawan.
Gawing Christmas-Masaya ang Noche Buena
Bring out your diskarte at cooking skills ngayong Pasko and try these recipes to make the best Noche Buena for the whole family. Siguradong mahihirapan silang pumili ng favorite dish dahil lahat ‘to hard to resist!
Gumamit ng MAGGI® MAGIC SARAP na made with fresh onion and garlic at real meat and spices para siguradong mas level up ang sarap ng mga ihahanda mo sa Noche Buena!