Try These MAGGI® Diskarte Dishes!
Parang totoong pizza ang lasa ng Tuna Pizza Pandesal kaya siguradong thumbs-up ito para sa mga bata. Pwedeng pwede mo gawin ang dish na ito kahit wala kang mga mamahaling gamit gaya ng electric oven o pizza baking tray. Simple lang din ang ingredients na kailangan dito.
Para sa toppings, ihanda ang ingredients na ito:
- 1 can tuna or sardines in tomato sauce
- ½ sachet MAGGI® MAGIC SARAP®
- 2 pcs tomato, sliced
- ½ bar cheese, grated
- 1 tbsp spring onion, chopped
- Para sa crust, gumamit ng 6 pcs ng pandesal at hiwain ang bawat isa sa gitna.
Procedure:
- I-mash ang tuna/sardines in tomato sauce at timplahan ito ng ¼ sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP®.
- Mag-toast ng pandesal sa toaster hanggang maging golden brown ito. Pwede mo rin i-toast and pandesal sa kawali.
- Kapag ready na ang toast, i-spread ang tuna/sardines mixture at i-sprinkle ang natirang ¼ sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP® para sa kumpletong pampasarap ng tuna/sardines pizza.
- Gamitin ang tomato slices at grated cheese bilang garnishes.
- I-toast ang pandesal with toppings hanggang maging golden brown.
- Iayos sa serving plate at saka budburan ng spring onion sa ibabaw.
- Sweet and Sour Squidballs
Sa dish na ito, pina-level up ang sarap ng squidballs—ang patok na streetfood hindi lang sa mga bata kundi pati na rin sa millennials.
Ingredients:
- ½ kg squidballs, halved
- ¼ cup vegetable oil
- 2 cloves garlic, minced
- 1 pc small carrot, sliced
- 1 pc small green bell pepper, cut into strips
- 3 tbsp vinegar
- 1 cup water
- ¼ cup sugar
- ½ cup banana catsup
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 1 tbsp cornstarch, dissolved in 1 tbsp water
- 1 small can pineapple chunks, drained (optional)
Procedure:
- Iprito ang squidballs sa mantika hanggang maging golden brown. Tanggalin sa kawali ang pritong squidballs at itabi muna ito.
- Mag-gisa ng bawang, sibuyas, carrot, at green bell pepper sa pinagprituhan ng squidballs.
- Lagyan ng suka, tubig, asukal at catsup. Ihalo rin ang MAGGI® MAGIC SARAP®.
- Ibuhos ang cornstarch na tinunaw sa tubig at haluin ang mixture para magkaroon ng malapot na consistency ang sauce.
- Pwede rin mag-add ng pineapple chunks sa sauce bago ihalo ang pritong squidballs.[Text Wrapping Break]
Hindi nawawala ang kanin sa pagkaing Pinoy, plain rice o fried rice man. Perfect diskarte dish ang recipe na ito dahil gamit ang natirang kanin na sinahugan ng luncheon meat, meron ka ng sariling version ng all-in-one kanin at ulam.
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 2 cloves garlic, minced
- 1 pc small onion, chopped
- ½ small can luncheon meat, diced
- 1 pc egg, beaten
- 3 cups day-old rice
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 1 tbsp spring onion, chopped
Procedure:
- Igisa ang bawang, sibuyas at luncheon meat sa mantika.
- Itabi ang pinaggisahan sa gilid ng kawali. Gamitin ang gitna ng kawali para dito lutuin ang binating itlog.
- Ibuhos ang kanin saka ito timplahan ng MAGGI® MAGIC SARAP®.
- Haluin ang fried rice, itlog, at ginisang luncheon meat at saka idagdag ang spring onion.
- Tortang Talong at Corned Beef
Ang favorite nating corned beef, pwede ring lagyan ng healthy twist! Gawing Tortang Talong at Corned Beef para may fiber galing sa talong. Maganda rin itong dish extender o pamparami ng ulam na magugustuhan ng lahat.
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 2 cloves garlic, minced
- 1 pc small onion, chopped
- 1 pouch corned beef
- 2 pcs large eggplant, grilled, peeled and flattened
- 2 pcs fresh medium eggs
- ½ sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
Procedure:
- Igisa ang bawang, sibuyas at corned beef sa mantika. Tanggalin sa kawali ang mga ito at itabi.
- Ilagay sa kawali ang isa sa dalawang talong.
- Magbati ng isang itlog at ihalo ang dalawang kutsara ng corned beef mixture. Timplahan ang egg at corned beef mixture ng MAGGI® MAGIC SARAP® bago ibuhos ito sa ibabaw ng talong na nasa kawali.
- Prituhin ang talong na may corned beef sa loob ng dalawang minuto. Baliktarin ang talong para maprito ang kabilang side.
- I-drain ang excess oil gamit ang salaan o paper towel.
- Ulitin ang procedure mula sa step 2 para lutuin ang natitirang talong ta corned beef. [Text Wrapping Break]
Mas magiging exciting ang iyong sizzling tokwa kapag binigyan mo ito ng sarap ng tuna. Hindi lang ito mabilis gawin, ngunit siguradong ma-e-enjoy ng pamilya ang kakaibang sizzling goodness na ito.
Ingredients:
- ½ kg tokwa, sliced ½-inch thick
- ½ cup vegetable oil
- 2 cans spicy canned tuna in oil, strain and
- reserve oil
- 2 cloves garlic, minced
- ½ sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 1 pc large red onion, chopped
- 2 tbsp mayonnaise
- 1 tbsp toasted garlic
- 1 tbsp sliced spring onion
- 1 pc calamansi, sliced open
Procedure:
- Iprito ang hiniwang tokwa hanggang sa maging golden brown ang kulay nito.
- I-drain ang excess oil.
- Igisa ang bawang, tuna at tokwa sa tuna oil at budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP®.
- Ilipat sa bowl at lagyan ng sibuyas at mayonnaise.
- Ihain sa sizzling plate at lagyan ng toasted garlic, spring onion at kalamansi.
- Gamitin ang Diskarte sa mga Lutuin!
Importante ang diskarte sa food planning at presentation. Kahit gaano ka-simple ang recipes na balak mong lutuin, pwede mo itong lagyan ng kakaibang style o creativity.
Basta may MAGGI® MAGIC SARAP® ka, pwede kang makagawa ng iba’t ibang dishes. Gawa kasi ang all-purpose seasoning na ito sa fresh ingredients gaya ng bawang at sibuyas kasama ang real meat at iba pang spices kaya andito na lahat ng flavors na kailangan mo sa pagluluto.
Gumamit ng diskarte ng MAGGI® MAGIC SARAP® sa iyong recipes para siguradong masarap ang kainan!