Sustansya ang bigay ng iba’t ibang sangkap nito gaya ng protein, carbohydrates, at iba pang vitamins, kaya naman sulit talaga! Higit sa lahat, swak sa budget at madali mahanap sa iyong suking tindahan ang mga ingredients ng ALL-IN-ONE dishes.
Try these All-in-Onederful, easy to cook Filipino recipes na mas mapapasarap ng paborito niyong all-in-one seasoning, MAGGI® MAGIC SARAP® dahil sa dagdag sarap at aroma ng sariwang bawang at sibuyas.
- All-in-One Fried Rice (3 Ways)
Sinangag, fried rice, chao fan… kanin ang paboritong almusal, tanghalian, at hapunan ng mga Pilipino. Puno ito ng carbohydrates na source of energy kaya naman ganado ang pamilya sa buong araw kapag ito ay inihain mo. Maraming paraan upang i-level up ang sarap at aroma ng ordinaryong kanin, tulad ng paggamit ng iba’t ibang karne, at syempre, ang MAGGI® MAGIC SARAP®.
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 2 pcs egg, beaten
- 4 cloves bawang, minced
- 1 pc small onion, chopped
- 100 g giniling na baboy
- 1 pc small carrot, chopped
- 1/2 cup tubig
- 2 tbsp MAGGI® Oyster Sauce
- 4 cups kanin
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 2 tbsp tubig
- 1 tbsp spring onion, sliced
Procedure:
- Mag-init ng mantika sa isang malaking kawali at lutuin ang itlog hanggang bago ito mag-set. Isalin sa platito at itabi muna.
- Sunod na igisa ang bawang, sibuyas, giniling, at carrot. Ihalo ang tubig at MAGGI® Oyster Sauce.
- Ilagay ang kanin at budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP®. Mag-buhos ng 2 tbsp ng tubig on the side at ilagay dito ang itlog; i-fluff hanggang mag-steam.
- Isalin sa serving dish at ihain.
- All-in-One Hotdog Fried Rice
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 4 cloves bawang, minced
- 1 pc maliit na sibuyas, chopped
- 1 pc small carrot, chopped
- 2 pcs hotdogs, sliced (maaari ring gumamit ng cooked ham, sausage, bacon, beef tapa, tocino, o iba pang cured meat)
- 2 pcs egg, beaten
- 3 cups kanin
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 2 tbsp tubig
- 1/2 cup repolyo, chopped
Procedure:
- Mag-gisa ng bawang, sibuyas, carrot, at hotdog sa mainit na oil; itulak sa tabi at lutuin ang itlog sa gitna ng kawali. Haluin hanggang bago mag-set.
- Ihalo ang kanin at timplahan ng MAGGI® MAGIC SARAP®. Mag-buhos ng 2 tbsp ng tubig on the side at ilagay dito ang itlog; i-fluff ito hanggang mag-steam. Idagdag ang repolyo.
- Isalin sa serving dish at ihain.
- All-in-One Longganisa Fried Rice
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 4 pcs garlic longganisa, crumbled (maaari ring gumamit ng cooked ham, sausage, bacon, beef tapa, tocino, o iba pang cured meat)
- 4 cloves bawang, minced
- 1 pc sibuyas, chopped
- 2 pcs kamatis, chopped
- 2 pcs egg, beaten
- 4 cups kanin
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 2 tbsp tubig
- 1 tbsp spring onion, sliced
Procedure:
- Igisa ang longganisa sa mantika hanggang maluto. Itabi.
- Igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis. Itabi. Sunod na lutuin ang itlog. Haluin hanggang bago mag-set.
- Ihalo ang kanin at budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP®. Mag-buhos ng 2 tbsp ng tubig on the side at ilagay dito ang itlog; i-fluff ito hanggang mag-steam. Ihalo ang spring onion.
- Isalin sa serving dish at ihain.
- All-in-One Torta (3 Ways)
Madalas ihanda ang torta para hindi mabulok ang natirang ingredients sa ref. Okay din ito kung gusto mo maghain ng ulam na may kasamang gulay. Syempre, huwag kalimutan ang MAGGI® MAGIC SARAP® na kukumpleto sa sarap ng anumang lutuin.
- All-in-One Tortang Giniling
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 4 cloves bawang, minced
- 1 pc sibuyas, chopped
- 2 pcs kamatis, chopped
- 1/4 kg giniling na baboy (maaari ring gumamit ng giniling na manok o or flaked cooked fish)
- 1 pc patatas, peeled and diced
- 1 pc small carrot, diced
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 6 pcs fresh medium eggs
Procedure:
- Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis, giniling na baboy, patatas, and carrot sa mainit na mantika. Timplahan ng 1/2 sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP®.
- Batihin ang mga itlog at ihalo dito ang natitirang MAGGI® MAGIC SARAP® sa sachet. Ilagay sa ginisang sangkap at haluin.
- Kapag barely set na ang itlog, maglagay ng pinggan sa ibabaw ng kawali ng ma-flip ang torta at maluto ang kabilang side nito.
- Isalin sa serving dish at ihain kasama ang dipping sauce.
Ingredients:
- 3 tbsp vegetable oil
- 4 cloves bawang, minced
- 1 pc sibuyas, chopped
- 1 pc patatas, peeled and diced
- 1 small can corned beef
- 1/2 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 6 pcs fresh medium eggs
Procedure:
- Igisa ang bawang, sibuyas, patatas, at corned beef sa non-stick pan na may mainit na mantika.
- Batihin ang mga itlog at ihalo ang MAGGI® MAGIC SARAP®. Ihalo sa ginisang sangkap at haluin. Kapag barely set na ang itlog, hinaan ang apoy.
- Maglagay ng pinggan sa ibabaw ng kawali ng ma-flip ang torta at maluto ang kabilang side nito. Ilipat sa ibang plato at hatiin into serving pieces.
- Isalin sa serving dish at ihain. Maari itong samahan ng toasted pan de sal o sinangag.
Ingredients:
- 6 tbsp olive oil
- 1 pc large onion, cut into strips
- ½ kg patatas, peeled and sliced thinly (maaari ring gumamit ng sweet potato o pumpkin)
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 1/8 tsp freshly ground pepper
- 4 pcs fresh medium eggs
- 4 pcs cheese slices
Procedure:
- Igisa ang patatas at onion sa olive oil gamit ang non-stick na kawali. Ilagay ang kalahati ng sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP® at pepper. Ilipat ng lalagayan at itabi muna.
- Batihin ang mga itlog at ilagay ang natitirang MAGGI® MAGIC SARAP®. Ihalo na ang ginisang patatas.
- Ilagay muna ang kalahati ng egg mixture, haluin ng dahan-dahan at lutuin hanggang bago mag-set. Ilagay ang cheese sa ibabaw; isunod ang natitirang mixture.
- Lutuin hanggang bago mag-set. Maglagay ng pinggan sa ibabaw ng kawali ng ma-flip ang torta at maluto ang kabilang side nito.
- Ilipat sa ibang plato at hatiin into serving pieces. Isalin sa serving dish at ihain.
- All-in-One Ginisang Ampalaya (3 Ways)
Kahit na isa sa pinakamasustansyang gulay ang ampalaya, maraming bata ang humihindi dito dahil sa mapait na lasa nito. Good news! May paraan para lagyan ang ampalaya ng bagong buhay at mapakain ng gulay ang iyong mapiling chikiting—budburan lamang ito ng MAGGI® MAGIC SARAP®!
- All-in-One Ginisang Ampalaya at Sardinas
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 4 cloves bawang, crushed
- 1 pc sibuyas, diced
- 2 pcs kamatis, diced
- 1 can sardines in tomato sauce (maaari ring dagdagan ng manok, baboy, isda, o hipon)
- ¼ kg ampalaya, sliced and rinsed well
- 2 pcs eggs, beaten
- 1 sachet MAGGI® MAGIC SARAP®
- 1/2 cup tubig
Procedure:
- Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis, at sardinas sa mainit na mantika.
- Ilagay ang ampalaya at igisa ng limang minuto. Ihalo ang itlog at lutuin hanggang barely set.
- Timplahan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at lagyan ng tubig.
- Isalin sa serving dish at ihain.
- All-in-One Ginisang Ampalaya at Giniling
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 4 cloves bawang, crushed
- 1 pc sibuyas, diced
- 2 pcs kamatis, diced
- 100 g giniling na baboy (maaari ring dagdagan ng manok, isda, o hipon)
- ¼ kg ampalaya, sliced and rinsed well
- 2 pcs egg, beaten
- 1 sachet MAGGI® MAGIC SARAP®
- 1/2 cup tubig
Procedure:
- Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis, at giniling na baboy sa mainit na mantika.
- Ilagay ang ampalaya at igisa ng limang minuto. Ihalo ang itlog at lutuin hanggang barely set.
- Timplahan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at lagyan ng tubig.
- Isalin sa serving dish at ihain.
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 4 cloves bawang, crushed
- 1 pc red onion, diced
- 2 pcs kamatis, diced
- 1/2 kg ampalaya, sliced and rinsed well
- 2 pcs egg, beaten
- 1 sachet MAGGI® MAGIC SARAP®
- 1/2 cup tubig
- optional manok, baboy, isda, o hipon, depende sa iyong preference
Procedure:
- Igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis
- Ilagay ang ampalaya at igisa ng limang minuto. Ihalo ang itlog at lutuin hanggang barely set.
- Timplahan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at lagyan ng tubig.
- Isalin sa serving dish at ihain.
Ngayong tag-ulan, mainit na sabaw ang sagot sa malalamig na gabi. Kaya dagdagan ng sustansya at sarap ang paborito mong sabaw at i-level up ito gamit ang iba’t ibang masusustansyang sangkap at MAGGI® MAGIC SARAP®. May sarap at aroma ng bawang at sibuyas ang bawat butil ng MAGGI® MAGIC SARAP® kaya naman konting budbod lang, siguradong mag-uumapaw ang linamnam ng sinabawang gulay mo!
- All-in-One Sinabawang Gulay
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 2 cloves bawang, crushed
- 1 pc small onion, quartered
- 1 pc kamatis, quartered
- 1/2 cup pork, sliced
- 2 cups tubig
- 3/4 cup kalabasa, sliced
- 3/4 cup okra, sliced
- 3/4 cup sitaw, sliced
- 3/4 cup picked malunggay
- 1 sachet MAGGI® MAGIC SARAP®
- optional kamote, gabi, o saluyot
Procedure:
- Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis, at baboy sa mainit na mantika. Maglagay ng tubig at pakuluan.
- Isunod ang kalabasa, okra, at sitaw; maghintay ng dalawang minuto bago ilagay ang sumunod na gulay.
- Timplahan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at isama na ang dahon ng malunggay.
- Isalin sa serving bowl at ihain.
- Ginisang Sardinas, Miswa at Pechay
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 2 cloves bawang, minced
- 1 pc small onion, cut into strips
- 1 can sardines in tomato sauce
- 2 1/2 cups tubig
- 1/2 bundle miswa
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 1/4 tsp freshly ground pepper
- 1 bundle pechay, sliced
- optional patola, sayote, o upo
Procedure:
- Igisa ang bawang, sibuyas, at sardinas sa mainit na mantika. Maglagay ng tubig at pakuluan.
- Ihalo ang miswa at budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at paminta. Idagdag ang pechay.
- Isalin sa serving bowl at ihain.
- I-Level Up Ang Sarap Ng Iyong Mga Paborito
Hindi imposible ang magluto ng masasarap na putahe na magpapalakas at magpapasigla rin sa buong pamilya. Kailangan lang gumamit ng masusustansya at sariwang ingredients para mas katakam-takam pa ang mga susunod mong ihahain with MAGGI® MAGIC SARAP®. Gawing All-in-Onederful ang everyday dishes ng iyong mga mahal sa buhay at tulungan silang mapanatili ang malusog na pangangatawan.