Number one ang Pinoy Spaghetti sa mga hinahain pag may birthday party. Bakit? Dahit sa one-of-a-kind sweet Pinoy-Style sauce niya na guaranteed ubos sa sarap! Dagdagan ng MAGGI® MAGIC SARAP® para ma-enhance pa ang sarap ang dish na ito!
Ingredients:
- 4 cloves bawang, minced
- 1 pc sibuyas, minced
- ¼ kg fresh pork giniling
- 2 tbsp vegetable oil
- ¾ cup tomato sauce
- ¾ cup banana catsup
- ½ cup sliced hotdog
- ½ cup tubig
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- ¼ cup brown sugar
- ¼ kg spaghetti
- 3 tbsp keso, grated
Instructions:
- Igisa ang bawang, sibuyas, at pork giniling sa mantika. Idagdag ang tomato sauce, banana catsup, at hotdog. Buhusan ng tubig at pakuluan. Timplahin ito ng MAGGI® MAGIC SARAP® at brown sugar. Itabi ito.
- Pakuluan ang pasta ayon sa instructions sa balot. Isalin ang spaghetti at ilagay sa sauce. Ilipat sa serving plate, budburan ng cheese, at ihain.
Isa pa ang Lumpiang Shanghai sa mga hinahanap-hanap sa handaan. Siguradong walang tira kapag nag-serve nito, lalo na kung may kasamang dip. Tiyak na mag-eenjoy ang mga bisita!
Ingredients:
- ½ kg fresh pork giniling
- 2 tbsp sibuyas, minced
- ½ cup sibuyas, finely chopped
- ½ cup karot, grated
- ½ kg hipon, peeled and chopped
- 1 pc itlog, binate
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 2 tbsp MAGGI® Oyster Sauce
- 30 pcs small lumpia wrappers
- 2 cloves bawang, mashed
- 1 pc siling pula, sliced
- ½ cup tubig
- 3 tbsp brown sugar
- 2 tbsp vegetable oil
- 3 cups vegetable oil
- 1 tbsp cornstarch, tinunaw sa 2 tbsp tubig
Instructions:
- Ipagsama ang pork giniling, sibuyas, karot, at cheese. Timplahin ng ½ sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP® at MAGGI® Oyster Sauce. Haluin ng mabuti at ibalot sa lumpia wrappers.
- Ihalo ang bawang, sili, at tubig. Pakuluan ito at timplahin ng natitirang 1/2 sachet of MAGGI® MAGIC SARAP®, MAGGI® Oyster Sauce at brown sugar. Habang pinakukuluan, haluan ng cornstarch and water mixture para lumapot ang sauce.
- Iprito ang mga lumpia sa mantika ng 2-3 minutes. Ilipat sa serving plate at ihain kasama ng dipping sauce.
Panalo ang Chicken Lollipops sa mga kids dahil sa malinamnam na chicken at crunchy na balat. Para sa dagdag na lasa at aroma, timplahin ito gamit ang MAGGI® MAGIC SARAP®!
Ingredients:
- 9 pcs buong chicken wings, nakahiwa ng 18 pcs lollipops
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- ¼ tsp paminta
- 1 tsp paprika
- ½ cup harina
- 2 pcs itlog, binate
- 2 cups Japanese breadcrumbs
- 4 cups vegetable oil
- ¼ cup preferred dipping sauce
Instructions:
- Timplahin ang chicken gamit ang MAGGI® MAGIC SARAP®, paminta, at paprika.
- Ibabad sa harina, isawsaw sa beaten eggs, at ibabad sa breadcrumbs. Itabi ito.
- Iprito ang chicken sa pinainit na mantika hanggang maging golden brown. Itabi ito para matuyo ang sobrang mantika. Ilipat sa serving plate at ihain kasama ng dipping sauce.
Para sa long life ng celebrant, madalas din ihain ang Pancit Canton sa handaan. Hindi ka magkakamali sa malasang noodles at mga gulay at karneng sahog nito.
Ingredients:
- ¼ kg hipon, peeled and deveined
- 2 sachets 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 4 tbsp vegetable oil
- 1 head bawang, minced
- 1 pc sibuyas, cut into strips
- 2 pcs Chinese chorizo, sliced
- ¼ kg squid balls, sliced
- 3 cups tubig
- ¼ tsp paminta
- 2 tbsp brown sugar
- ¼ cup MAGGI® Oyster Sauce
- ½ kg pansit canton
- ½ head repolyo, cut into bite-size pieces and blanched
- 1 cup trimmed sitsaro, blanched
- 1 pc karot, cut into strips and blanched
- 1 tsp sesame oil
- 8 pcs calamansi
Instructions:
- Timplahin ang hipon gamit ang ½ sachet of MAGGI® MAGIC SARAP®. Igisa sa mantika at itabi.
- Igisa ang bawang, sibuyas, chorizo, at squid balls sa natitirang mantika. Buhusan ng tubig at pakuluan. Timplahin ito ng 1 ½ sachet of MAGGI® MAGIC SARAP®, paminta, brown sugar at MAGGI ® Oyster Sauce.
- Idagdag ang pansit canton, ihalo ng dahan-dahan at iluto nang 1 (isang) minuto. Ilagay ang hipon, karot, sitsaro, repolyo at sesame oil. Ilipat sa serving plate at ihain kasama ng kalamansi.
Hindi kumpleto ang birthday handaan kung wala ang Pork Barbecue. Siguradong mauubos din ito agad ng mga chikiting!
Ingredients:
- ½ kg skinless pork shoulder (kasim), sliced
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 1 clove bawang, tinadtad
- 1 tbsp soy sauce
- 2 tbsp banana catsup
- 2 tbsp brown sugar
- 1 pc sili, minced
- 2 tbsp vegetable oil for brushing
Instructions:
- Timplahin ang pork kasim gamit ang MAGGI® MAGIC SARAP® and ituhog sa mga barbeque sticks.
- Ipaghalo ang bawang, soy sauce, catsup, brown sugar, at sili.
- Pahiran ng mantika ang pork gamit ang mantika at ihawin nang 1 (isang) minuto sa bawat side. Pahiran ito ng barbeque sauce at ihawin hanggang maging golden brown. Ilipat sa serving plate at ihain kasama ng spiced vinegar.
Gawing extra special ang handaan with Corned Beef Lasagna! Ang creamy at cheesy goodness ng lasagna at ang sarap ng corned beef kasama ng All-in-ONEderful na MAGGI MAGIC SARAP® ay perfect para sa birthday ng mga kids!
Ingredients:
- 1 head bawang, tinadtad
- 1 pc sibuyas, sliced
- 1 ½ cups corned beef
- 2 tbsp vegetable oil
- 2 cups tomato sauce
- 2 cups tubig
- 2 sachets 8g MAGGI MAGIC SARAP®
- ½ tsp paminta
- ½ cup brown sugar
- 10 sheets instant lasagna sheets
- 1 tetra pack 250ml NESTLÉ® All Purpose Cream
- ½ cup keso
Instructions:
- Igisa ang bawang, sibuyas, at corned beef sa mantika. Buhusan ng tomato sauce at tubig. Pakuluan ito at timplahin ng MAGGI® MAGIC SARAP®, pepper at brown sugar.
- Magbuhos ng isang sandok ng sauce sa isang baking pan at maglagay ng isang layer ng lasagna sheet. Ulitin ang proseso gamit ang natitirang sauce at lasagna sheets.
- Maglagay ng Nestlé All Purpose Cream at budburan ng keso ang itaas. Takpan ang baking pan ng foil at i-bake sa 350°F oven ayon sa manufacturer’s instruction (halos 30 minutes).
- Tanggalin ang aluminum foil at i-broil hanggang maging golden brown ang itaas. Itabi nang 10 (sampung) minuto. Hiwain, ilipat sa serving plate at ihain.
Para sa mommies na naghahanap ng inspiration para sa next handaan, kayang-kaya ang mga recipe na ito at guaranteed matutuwa ang lahat ng bisita! Sa tulong ng mga masasarap na recipes at ang kumpletong pampalasa ng MAGGI® MAGIC SARAP®, tiyak na maglelevel up talaga ang pagkain sa party mo.