Para siguradong hit ang bawat sabaw na ihahanda mo sa pamilya, nandiyan ang MAGGI® MAGIC SARAP® na magbigigay ng dagdag na sarap at aroma sa soup recipes mo. Gawa sa fresh onion, garlic, real meat, at spices ang MAGGI® MAGIC SARAP® kaya naman bagay ito sa lahat ng soup recipes na mapipili mo.
Classic favorite ng lahat ang Creamy Chicken Sopas. Bukod sa easy to prepare, nagbibigay din ito ng kakaibang at-home vibes sa oras ng kainan. Pwede mo pa itong i-partner sa piniritong isda o gawing star ng meryenda. Siguradong magugustuhan ito ng pamilya!
Ingredients:
- 1 pc pecho, boneless
- 4 cups tubig
- 4 cloves ng bawang, minced
- 1 pc sibuyas, chopped
- 2 tbsp vegetable oil
- ½ cup elbow macaroni pasta
- ½ cup carrot, chopped
- 2 sachets 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 1 pack NESTLÉ® All Purpose Cream 125ml
- 1 cup repolyo, chopped
Procedure:
- Pakuluan ang manok sa tubig. Itabi ang pinagkuluan o broth, at himayin ang manok.
- Igisa ang bawang at sibuyas sa kaldero. Ibuhos ang broth at pakuluin. Ilagay ang macaroni at carrot. Pakuluin nang ampung (10) minuto.
- Budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP®. Kumuha ng konting broth at ihalo ito sa cream para mag-mix nang mabuti pag inilagay ang cream sa sopas. Ihalo ang reployo. Ilipat sa serving bowl at ihain habang mainit.
Kung nagustuhan ng pamilya ang Creamy Chicken Sopas mo, siguradong papatok din sa kanila ang Easy Chicken Sopas. Mas madali at mabilis gawin pero sing-sarap!
Ingredients:
- ½ pc pecho, boneless
- 2 cups tubig
- 2 cloves ng bawang, minced
- 1 pc sibuyas (small), chopped
- 1 tbsp vegetable oil
- ¼ cup elbow macaroni pasta
- ¼ cup carrot, chopped
- 1 sachet MAGGI® MAGIC SARAP®
- ⅛ tsp pamintang durog
- ½ cup repolyo, chopped
Procedure:
- Pakuluan ang manok sa tubig. Itabi ang pinagkuluan o broth at himayin ang manok.
- Igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. Ibuhos ang broth at pakuluin. Idagdag ang macaroni at carrot. Pakuluin nang sampung (10) minuto.
- Budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at paminta. Idagdag ang repolyo. Ilipat sa serving bowl at ihain. [Text Wrapping Break]
Itsura pa lang, siguradong gaganahan na ang pamilya kapag hinainan mo sila ng Chicken Sotanghon Soup. Staple soup din ito nating mga Pinoy lalo na’t mahilig tayo sa noodles. Pwede nang pang-merienda, pwede pang i-partner sa ulam. Syempre, the best itong i-serve nang mainit!
Ingredients:
- 100 g pecho, boneless
- 4 cups tubig
- 2 tbsp vegetable oil
- 2 tbsp annatto (atsuete) seeds
- 4 cloves ng bawang, minced
- 1 pc sibuyas, cut into strips
- 2 sachets 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 2 tsp patis
- 1/8 tsp pamintang durog
- 50 g sotanghon na binabad sa tubig
- ½ cup carrot, strips
- 1 cup repolyo, shredded
- 2 tbsp tustadong bawang
- 1 tbsp sliced spring onion
Procedure:
- Pakuluan ang manok sa tubig. Itabi ang pinagkuluan o broth at himayin ang manok.
- Ihalo ang mantika sa atsuete at initin nang limang (5) minuto. Salain ang mga buto ng atsuete, at gamitin ang pinagsalaang mantika para igisa ang bawang at sibuyas.
- Ibuhos ang broth at pakuluin. Timplahan ng MAGGI® MAGIC SARAP®, patis, at paminta. Ilagay ang sotanghon at hayaang maluto nang limang (5) minuto.
- Idagdag ang carrot, repolyo, at manok. Pabayaan itong maluto nang isa pang minuto. Ilipat sa serving bowl at budburan ng tustadong bawang at spring onion bago ihain.
Kung noodle soup din naman ang usapan, di pwedeng mawala ang Lomi. All-time favorite din natin ito na mula sa Batangas. Siksik ang noodles at mga sahog nito kaya siguradong busog ang buong pamilya!
Ingredients:
- 4 cloves ng bawang, minced
- 1 pc sibuyas, sliced
- 100 g pork belly, sliced
- 2 tbsp vegetable oil
- 6 cups tubig
- 2 sachets MAGGI® MAGIC SARAP®
- 3 tbsp toyo
- 500 g lomi noodles, blanched and rinsed well
- 6 tbsp cornstarch, tinunaw sa ¼ cup ng tubig
- ½ cup carrot strips
- 2 pcs itlog, beaten
- 1 cup napa cabbage (repolyo), sliced
- 2 tbsp sliced scallions
- 6 pcs calamansi, sliced open
Procedure:
- Igisa ang bawang, sibuyas at baboy sa mantika.
- Buhusan ng tubig, pakuluin at i-season with MAGGI® MAGIC SARAP® at toyo.
- Ihalo ang lomi noodles. Idagdag ang cornstarch and water mixture habang hinahalo para lumapot ang broth.
- Idagdag ang carrots at repolyo. Ihalo ang beaten egg. Ilipat sa serving bowl, top it with scallions and i-serve kasama ng calamansi.
May kanin o wala, masarap ang Misua Bola-bola dahil malasa ang mga sangkap at sabaw nito. Patok ito sa mga bata dahil sa bola-bola o pork meatballs. Siguradong mag-uunahan ang mga chikiting kapag inihanda mo ito!
Ingredients:
- 3 cups tubig
- ¼ kg giniling na baboy
- ½ pc sibuyas, chopped
- 2 tbsp carrot, grated
- 2 sachets 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 2 cloves ng bawang, minced
- ½ pc sibuyas, minced
- 1 tbsp vegetable oil
- ½ cup sayote, sliced
- ½ bundle miswa
- 1 tbsp sliced spring onions
Procedure:
- Paghaluin ang giniling na baboy, sibuyas, at carrot. Timplahan ng ½ sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP®. Haluin, mag-bilog ng meatballs, at itabi.
- Mag-gisa ng bawang at sibuyas sa kaldero. Ibuhos ang tubig at pakuluan. Ihulog ang meatballs at sayote, at hintayin itong kumulo.
- Ilagay ang natitirang MAGGI® MAGIC SARAP®. Ihalo ang miswa at spring onion. Ilipat sa serving bowl at ihain habang mainit.
Ang Egg Drop Soup ang isa sa pinaka-simple at affordable soup recipes na kayang-kaya mong gawin nang mabilisan. Kahit itlog lang ang main ingredient nito, ang masarap at mainit na sabaw nito ay pwedeng pagsaluhan ng buong pamilya.
Ingredients:
- 4 cups tubig
- 2 sachets 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 3 tbsp cornstarch na tinunaw sa ¼ cup ng tubig
- 2 pcs itlog, beaten
- 1 tbsp sliced spring onion
Procedure:
- Magpakulo ng tubig at timplahan ng MAGGI® MAGIC SARAP®.
- Ibuhos ang cornstarch at water mixture habang hinahalo ang sabaw.
- Idagdag ang beaten eggs at haluin. Ilagay ang spring onion. Ilipat sa serving bowl at ihain habang mainit.
Hindi lang para sa main course ang seafood dahil pwede mo rin ito isahog sa ibang dish, gaya ng Creamy Seafood Soup. Dahil may kasama itong shrimp, crab sticks, squid, at pati na rin gulay, puno ito ng sustansiya. Pwedeng pang iulam sa kanin ang meat at vegetables.
Ingredients:
- ¼ kg hipon, peeled and deveined, shells reserved
- 3 tbsp vegetable oil
- 6 cups tubig
- 2 cloves ng bawang
- 1 pc maliit na sibuyas, chopped
- 1 pc maliit na karot, chopped
- 3 tbsp all purpose flour
- 2 sachets 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- ¼ kg pusit, cleaned and sliced
- 4 pcs crab sticks, sliced
- 1 pack NESTLÉ® All Purpose Cream 125ml
- 1 tbsp chopped parsley
Procedure:
- Bahagyang igisa ang shrimp shells sa 1 tbsp ng mantika. Durugin ang shells para kumatas ang flavor. Lagyan ng tubig at pakuluin ito nang sampung (10) minuto. Salain para makakuha ng shrimp stock at itabi.
- Igisa ang bawang, sibuyas, at karot sa natirang 2 tbsp ng mantika. Ihalo ang flour at lutuin nang dalawang (2) minuto. Ibuhos ang shrimp stock at pakuluin. Timplahan ng MAGGI® MAGIC SARAP®.
- Idagdag ang hipon, pusit, at crab sticks. Kumuha ng konting sabaw at ihalo ito sa cream para mag-mix nang mabuti pag inilagay ang cream sa sopas. Ihalo ang parsley. Ilipat sa serving bowl at ihain habang mainit.
Kung mahirap pakainin ng kalabasa ang kids, daanin mo sa diskarte. Lutuan sila ng Creamy Pumpkin Soup! Hindi nila mapapansin na gawa ito sa kalabasa pala dahil naka-purée ang pumpkin at may creaminess na mas nagpapa-level up sa sarap ng soup.
Ingredients:
- 4 cloves ng bawang, minced
- 1 pc sibuyas, chopped
- 2 tbsp vegetable oil
- ½ kg kalabasa, peeled, seeded, and sliced
- 3 cups tubig
- 2 sachets 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- ¼ tsp freshly ground pepper
- 1 pack 125ml NESTLÉ® All Purpose Cream
- 1 tbsp minced parsley
Procedure:
- Igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. Ihalo ang kalabasa at hayaang maluto nang (10) minuto. Ibuhos ang tubig at pakuluin habang nakatakip nang (10) minuto.
- Ilipat sa blender ang nilutong kalabasa at gawing purée. Ibalik ang purée sa kaldero.
- Timplahan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at paminta. Kumuha ng konting sabaw at ihalo ito sa cream para mag-mix nang mabuti pag inilagay ang cream sa sopas. Pakuluan nang bahagya. Ilipat sa serving bowl at budburan ng parsley.
- Vietnamese-Style Sour Prawn Soup
Nakakatulong ang paghigop ng maasim na sabaw para pagpawisan ng konti ang katawan. Kaya kung mahilig lang rin sa maasim ang pamilya, lutuan sila ng Vietnamese-Style Sour Prawn Soup. Para itong sinigang na hipon na may ilang dinagdag na ingredients.
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 1 kg medium prawns, peeled, and deveined
- 5 cups tubig
- 1 pc sibuyas, quartered
- 2 pcs kamatis, quartered
- 1 cup 100g biased okra
- 1 sachet 22g MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampaloc Mix
- 1 tbsp patis
- 1 tbsp brown sugar
- 1 cup togue
- ¼ cup sliced scallions (sibuyas na mura)
- 8 sprigs cilantro, picked (wansuy)
- 4 sprigs Thai basil, picked
- 2 tbsp tustadong bawang
Procedure:
- Magpainit ng mantika sa kaldero at igisa ang prawn shells. Durugin ang ulo ng prawns para kumatas ang flavor. Ibuhos ang tubig, pakuluin, at alisin ang scum (mga maninipis na patong ng mga dumi na lumulutang sa ibabaw ng liquid mixture). Pakuluin nang tatlumpung (30) minuto. Kumuha ng ibang kaldero na pwedeng pagsalaan ng stock.
- Idagdag ang sibuyas at kamatis. Pakuluin nang may takip nang sampung (10) minuto.
- Ilagay ang okra at pakuluin nang dalawang (2) minuto.
- Ibuhos ang MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampaloc Mix. Timplahan ng patis at asukal. Ihalo ang prawns at pakuluin nang isang (1) minuto..
- Ihalo ang bean sprouts. Ilipat sa serving bowl at lagyan ng garnish na scallions, cilantro, Thai basil, at toasted garlic. Ihain habang mainit.
- Mga All-in-ONEderful Moment sa Taglamig
Kapag tag-ulan, mas maganda kung nasa bahay lang ang pamilya para siguradong safe, healthy, at warm ang bawat isa. Maganda ring bonding moment ang sabay-sabay na pagkain ng lahat.
Ipaghanda ka-bonding moments mo ng sabaw na masarap ulamin at higupin. Siguradong hindi nila matatanggihan ito dahil sa bawat higop nila ay nandun ang lasa na dala ng MAGGI® MAGIC SARAP®.