Haluan din natin ng positive vibes ang celebration sa Bagong Taon, at pasalamatan ang mga good news at blessings na natanggap natin nitong nakaraang taon. Dahil maraming family at barkada gatherings ngayong holidays, tutulungan ka namin para less stressful ang paghahanda at pagsalubong niyo ng sa New Year. Gawin nating mas meaningful at All-in-ONEderful ang Media Noche ninyo ng pamilya!
Tradisyon sa mommies ang pagbili ng mga bilog na prutas para salubungin ang Bagong Taon. Pero paano nga ba nauso ito? Sabi sa pamahiin, pera ang ibig sabihin ng shape na bilog. Kailangang 12 ang bilhin mo para swerte ka each month sa isang taon. Para makumpleto mo ang labindalawag prutas at makapili ng magaganda at sariwang tinda, agahan mo ang pagshopping. Nagmamahal ang mga presyo ng prutas pag palapit na ang Media Noche, kaya mas sulit talaga kapag naplano mo ang bilihin mo nang mas maaga.
Naisip mo na ba ang mga prutas na ihahanda niyo? Pwede kang pumili rito: mansanas, ubas, pakwan, longgan, orange, kiat-kiat, ponkan, melon, lanzones, rambutan, peras, lemon, pinya, pomelo, duhat, at siniguelas.
Bonus tip! Piliin ang mga paboritong prutas ng pamilya para makain niyo pa rin ito pagkatapos ng Media Noche.
Habang inaantay ang salubong sa Bagong Taon, pwede ka ring magpa-parlor games. Hindi mo kailangan ng sobrang laking budget para dito, kundi mga willing lang maglaro! Kung meron kayong calamansi at kutsara, pwede na kayong maglaro ng calamansi relay. Kung gusto niyo naman ng mga group games na papaisipin kayo, merong Pinoy Henyo. Pasok lahat sa budget at masaya pa!
Swerte rin daw ang pagsalubong nang maingay sa Bagong Taon. Bukod sa kasihayan, pinaniniwalaan na nakakatulong ang pag-ingay para lumayo ang bad spirits at negative energy sa bahay. Mahigpit nang ipinagbabawal na magpaputok o gumamit ng fireworks ngayon. Kung nakasanayan ninyo ito dati, wag malungkot! Marami pang ibang paraan para salubungin ang taon.
Pwede kayong maghanda ng playlist ng mga favorite songs ninyo at magpatugtog nang malakas. Imbis na paputok, bumili na lang ng mga torotot. Pwede rin kayong maghanda ng videoke session sa bahay at mag-imbita ng mga kapitbahay. Last but not the least, pwede niyo ring pagkalampagin ang inyong mga kaldero para mag-ingay! Masaya na, iwas pa sa aksidente!
Kung sa bahay mo gaganapin ang New Year salubong at marami kang iimbitahin, gawin na lang potluck celebration ang Media Noche. Mag-assign kayo ng mga pagkain na pwedeng ma-share sa ibang bisita. Hindi ka na masyado mag-iisip sa kung ano ang lulutuin, at siguradong matutuwa ang lahat sa food options nila. Simple pero sure kang solve ang lahat sa makakain nila!
Pagkain talaga ang highlight ng Media Noche. Kung sa bahay naman ng kamag-anak gaganapin ang Media Noche, magdala ng mga reusable food containers para may mabaon ka pang pagkain pauwi. Pwede mo na rin itong gawing almusal o pananghalian kinabukasan, basta tama ang pagkakabalot at store nito sa ref.
Kung mas gusto mong ipakita ang galing mo sa pagluto kaysa magpotluck celebration, pwede rin naman! Diskartehan ang grocery shopping at pagpili ng mga lulutuin para sa Media Noche. May mga masasarap na ulam na konti lang ang ingredients o malaki ang serving size, tulad ng Pork Hamonado o kaya Morcon. Gamit ang MAGGI® MAGIC SARAP®, siguradong magiging masarap ang handaan niyo para sa Media Noche.
Para mas sulit ang mga bibilhin mong ingredients, mag-isip ng dalawang ulam na pwedeng paggamitan nito. Example, ang hotdog ay pwede mong gawing Hotdog Fried Rice at pwede ring isama sa sauce ng Pinoy Spaghetti. Pwede mo naman gawing main ingredient ang macaroni sa Filipino Chicken Macaroni Salad at sa Mac and Cheese. Syempre, kasama na rin dito ang MAGGI® MAGIC SARAP® para i-level up ang sarap ng mga dishes. Mas marami kang malulutong ulam sa mas konting ingredients, at magiging mas magaan ito sa bulsa. O diba, ayos!
Pasarapin ang Media Noche with MAGGI®
Hindi kailangang maging magastos ang paghanda sa Media Noche para maging bongga ang celebration. Makikita ang tunay na swerte na buhat ng taon kapag sama-sama ang pamilya, may pagkain sa mesa, at masaya ang lahat. Sa mga simpleng diskarte tips na ito, enjoy kayo sa pagsalubong ng Bagong Taon.