Isa na diyan ang paghahanda ng bilog na prutas sa Media Noche, pagkain ng pancit for longer life at marami pang iba. Kaya kung sarap at swerte ang habol mo, subukan mo ang All-in-ONEderful New Year’s good luck food recipes na hinanda namin!
Long life ba kamo? Nandiyan ang all-time favorite natin na Beef Pancit Canton Guisado. Sinasabing nire-represent ng mahahabang noodles ang long life at good health. Gamitan ng MAGGI® MAGIC SARAP® para level-up ang sarap!
Ingredients:
- ¼ kg beef, thinly sliced
- ½ sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- ¼ tsp pamintang durog
- 2 tbsp vegetable oil
- 4 cloves bawang, minced
- 1 pc sibuyas (small), cut into strips
- 1 pc red bell pepper (small), cut into strips
- 1 pc green bell pepper (small), cut into strips
- 1 pc carrot (small), cut into strips
- 1 cup sitsaro, trimmed
- 2 cups tubig
- ¼ cup MAGGI® Oyster Sauce
- ½ kg pancit canton
- 1 tsp sesame oil
Steps
- Budburan ang beef ng MAGGI® MAGIC SARAP® at paminta. Igisa nang isang (1) minuto at itabi.
- Igisa ang bawang, sibuyas, bell peppers, carrot, at sitsaro sa kawali. Lagyan ng tubig at ng oyster sauce. Haluin ang pancit noodles at lutuin nang limang 5) minuto.
- Lagyan ng sesame oil at ilipat sa tamang lalagyanan. Isalin kaagad para mainit at masarap.
Good health din daw ang dala ng pork dahil malaman ito. Simbolo rin daw ng ‘progress’ ang baboy dahil palaging forward ang lakad o galaw nito. Kung naniniwala ka rito, try our Crispy Pata recipe!
Ingredients:
- 1 pc pata
- 1 pc dahon ng laurel
- ¼ tsp pamintang durog
- 2 sachets 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- ¼ cup suka
- 2 tbsp toyo
- 2 cloves ng bawang, minced
- 1 pc sili, sliced
- ½ tbsp peppercorn
- 1 pc sibuyas (large), chopped
- 1 tbsp asukal
- 8 cups vegetable oil
Steps:
- Pakuluan ang baboy sa tubig nang isang (1) oras. Ilagay ang dahon ng laurel, paminta, at MAGGI® MAGIC SARAP®. Pakuluan hanggang maging malambot ang baboy. Tanggalin ang baboy at itabi ang nagawang sabaw.
- Para gumawa ng sawsawan, ihalo ang suka, toyo, bawang, sibuyas, sili, paminta, at asukal sa bowl. Haluin at itabi.
- Painitin ang mantika at ilagay ang baboy. Itabi ang ginamit na mantika at ilipat ang baboy sa tamang pinggan. Isalin kasama ang Vinegar-Soy dip.
Isa namang masarap na Crispy Pata alternative ang Crispychon na, of course, gawa sa pork. Kasing sarap ito ng favorite Crispy Pata mo pero ibang level ng experience din naman ang hatid nito sa Media Noche.
Ingredients:
- 1 ½ kg liempo (boneless), hiwa ang balat
- 3 sachets 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- ½ tsp pamintang durog
- 1 pc sibuyas (large), sliced
- 2 ulo ng bawang, crushed
- 3 cloves bawang, minced
- 2 pcs sibuyas (large), chopped
- 4 pirasong dahon ng sibuyas
- 2 stalks tanglad, pounded
- ¼ cup MAGGI® Oyster Sauce
- 3 tbsp toyo
- 2 tbsp suka
- ½ cup suka
- 1 pc sili, chopped
- 2 tbsp asukal
Steps:
- Lagyan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at paminta ang balat ng baboy. Dadagan ng sibuyas, bawang, dahoon ng sibuyas, tanglad, at MAGGI® Oyster Sauce. Imarinate overnight.
- Taliin ang baboy gamit ang butcher’s twine. Pakuluan sa tubig hanggang lumambot. Tanggalin at hintaying lumamig. Lagyan ng toyo, suka, at isang sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP ang balat at itabi.
- Para sa sawsawan, haluin ang toyo, suka, bawang, sibuyas, sili, paminta, at asukal sa bowl.
- Mag-init ng mantika at prituhin ang baboy hanggang maging golden brown. Tanggalin ang tali at hiwain ang baboy ng maayos. Ilagay sa tamang lalagyanan at isalin kasama ang nagawang sauce.
Sabi ng mga Chinese, nagdadala ng swerte sa pera ang lumpia dahil nagiging kulay ginto ito pag naprito na. Para dagdag sarap at aroma, siguraduhing gumamit ng MAGGI® MAGIC SARAP® sa Lumpiang Shanghai mo.
Ingredients:
- ½ kg giniling na baboy
- ½ cup sibuyas, finely chopped
- ½ cup carrot, grated
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 2 tbsp MAGGI® Oyster Sauce
- 30 pcs small lumpia wrappers
- 2 cloves bawang, mashed
- 1 pc red chili, sliced
- ½ cup tubig
- 3 tbsp brown sugar
- 1 tbsp cornstarch, dissolved in 2 tbsp water
- 2 tbsp vegetable oil
- 3 cups vegetable oil
- ½ kg shrimp, peeled and chopped
- 2 tbsp minced onion
- 1 pc egg, beaten
Steps:
- Pagsamahin ang pork, sibuyas, carrot at keso. Budburan ng 1/2 sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP® and MAGGI® Oyster Sauce. Haluin at i-assemble sa umpia wrappers.
- Paghaluin ang bawang, chili at tubig. Pakuluin at budburan ng natira sa 1/2 sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP®, MAGGI® Oyster Sauce and asukal. Pakuluin at haluin sa cornstarch and water mixture hanggang lumapot ang sauce.
- Iprito ang lumpia sa mantika nang dalawa (2) hangang tatlong (3) minuto. Isalin sa serving plate at i-serve kasama ng dipping sauce.
Dahil mukhang mga piso ang kaliskis ng isda, pinaniniwalaan na swerte sa pera ang pagkain nito. Kung maghahanda kayo ng isda sa Media Noche, subukan mo itong Fish Kare-Kare recipe namin para mapa-wow ang mga bisita.
Ingredients:
- 2 tbsp atchuete oil
- 2 tbsp durog na bawang
- 1 sibuyas, sliced
- 2 pcs talong, sliced diagonally
- 1 cup tubig
- ½ cup peanut butter
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 1 cup pechay, hiwa
- 2 pcs pritong tilapia, hiwa
- ½ cup sitaw
Steps:
- Painitin ang achuete oil. Igisa ang bawang at sibuyas hanggang lumabas ang aroma. Idagdag ang talong pagkatapos ng 30 seconds at idagdag ang sitaw.
- Dagdagan ng tubig at pakuluan. Lagyan ng peanut butter, MAGGI® MAGIC SARAP®, patis, at asukal para lumapot ang sabaw.
- Idagdag ang pechay at patayin ang apoy. Ilagay ang pinritong isda sa taas ng sauce. Ilipat sa tamang lalagyanan at isalin.[Text Wrapping Break]
Isa pang seafood dish na pwede ninyong ihanda sa Media Noche ang Camaron Rebusado. Sinasabing simbolo raw ng ‘happiness’ ang shrimp o prawn. Katunong kasi ng pagtawa ang Cantonese at Mandarin translation ng shrimp o prawn.
Ingredients:
- ½ cup harina
- 1 tsp pampaalsa (baking powder)
- 1 pc itlog (large), beaten
- Malamig na tubig
- 1 kg ng hipon (large), tanggalin ang buntot at balat
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- ¼ harina
- 8 cups vegetable oil
- ½ cup ng paborito mong sarsa
Steps
- Ihalo ang harina, pampaalsa, itlog, at iced water para gumawa ng batter.
- Lagyan ng MAGGI® MAGIC SARAP® ang hipon at ilagay ito sa ginawang sarsa.
- Magpainit ng mantika at prituhin ang hipon hanggang maging golden brown.
- Ilipat sa tamang lalagyan kasama ang paborito mong sarsa.
Swerte at Sarap sa Dadating na Taon
Hindi naman masama ang maniwala sa mga sinasabing good luck food this New Year. Totoo man o hindi, ang importante ay nag-enjoy ka sa pagluto at napasaya mo ang pamilya sa masarap at nakakabusog mong handa ngayong Bagong Taon.