Ramdam ng mga Pilipino ang Pinoy Pride tuwing sasapit ang Araw ng Kalayaan. Bukod sa mayaman tayo sa talento at kultura, sagana rin tayo sa spices na nagpapasarap sa ating lutuin. Hindi maikakaila na ang mga recipes natin ay kayang-kayang ipagmalaki sa mundo! Kaya gawin nating magical ang pagsalubong sa Independence Day with these local recipes made with MAGGI® products. Handa ka na ba? Tara’t subukan mo ang mga ito:
1. Pinakbet with Lechon Kawali
Mapa-simpleng tanghalian o engrandeng kainan, hindi mawawala ang Pinakbet sa hapagkainan ng mga Pilipino. Bukod sa siksik ito sa sustansya, madali pa itong lutuin gamit ang iba’t-ibang mga gulay. Kaya ngayong Independence Day, chance mo nang i-level up ang classic recipe na ito: ang simpleng Pinakbet i-transform into Pinakbet with Lechon Kawali! Dagdagan ng lang ng Lechon Kawali bits ang ginisang gulay at budburan ng MAGGI® Magic Sarap para maging magical ang recipe!
2. Sinigang na Bangus with Gabi
Kilala ang Bangus bilang Pambansang Isda. Bukod sa madaling bagayan, madali rin itong lutuin at abot-kaya pa para sa buong pamilya. Kaya ngayong selebrasyon ng Araw ng Kalayaan, pasarapin mo ang simpleng bangus with MAGGI® Magic Sinigang Sampalok With Gabi. Mabilis nang lutuin, lasap na lasap pa ang asim-linamnam ng batang sampalok sa Sinigang na Bangus with Gabi recipe na ito.
3. Ginataang Sitaw, Kalabasa, at Hipon
Bagama't binubuo ng napakaraming isla ang Pilipinas, hindi ito hadlang para mapag-isa ang mga Pilipino. Pag kainan ang usapan, "we are one!". Tulad na lang ng paggamit sa coconut milk o gata para gawing healthier ang ating mga lutuin. Kaya subukan mo itong Ginataang Sitaw, Kalabasa, at Hipon na siksik sa Sarap Sustansya at pinasarap pa ng MAGGI® Magic Sarap!
4. Inasal-Style Boneless Chicken
Syempre, kapag may selebrasyon o salu-salo hindi na mawawala ang mga inihaw na recipes. Bukod sa madaling lutuin, nagsisilbing bonding time na rin ang pag-iihaw kasama ang pamilya o barkada. Kaya ngayong Araw ng Kalayaan, subukan mo itong Inasal-Style Boneless Chicken na nanunuot sa asim-anghan ng MAGGI® Savor Chilimansi!
5. Pancit Palabok
To end this list, let’s go with a Pinoy classic! Pwedeng pang-merienda kapag may bisita o panghanda kapag merong may birthday sa pamilya… ganyan kapatok ang Pancit Palabok. Kaya kung naghahanap ka ng mabilisan at madaling lutuin ngayong Araw ng Kalayaan, subukan mo itong recipe at huwag kalimutang gumamit ng MAGGI® Magic Sarap para ito ay mas sumarap!
Ang mga recipes na aming ibinida ay lima lamang sa napakarami at napakasasarap na lutong Pilipino! Anuman ang Pinoy recipe na iyong planong lutuin, huwag kalimutan na haluan ito ng pagmamahal at budbuduran MAGGI®, para ito ay maging Magical! For more proudly local and regional recipes, just explore www.maggi.ph