Recipes To Enjoy For Your Labor Day Festivities at Home
Summer is in full swing! Isa sa mga pinaka-aabangang holiday sa Pinas ay ang Labor Day dahil isa itong pagkakakataon para mag-relax at mag-unwind. Karamihan ay pumupunta ng Boracay o sa iba’t-ibang favorite summer destinations nila para ipagdiwang ang mga trabahong kanilang pinagsumikapan. Bagamat marami ang out of town, meron pa ring nanatili sa bahay dahil sa kakulangan sa budget. ‘Wag kayong mag-alala. Sagot kayo ng MAGGI® at tutulangan naming kayong malasap ang summer sarap ng Labor Day festivities at home with our magical recipes.
- Magical Shrimp Skewers
Simulan natin ang Labor Day fiesta with a tasty appetizer na good for sharing, Magical Shrimp Skewers. Sama-sama nating ipagdiwang ang ating mga pinaghirapan. Di ka man mayaman sa pera, ma-eenjoy mo naman ang yaman ng dagat with this dish. Ang pinagsama-samang flavors ng kalamansi, bawang, at sili ang nagbibigay linamnam sa bawat kagat ng Shrimp Skewers. Kumpletuhin ang experience at gumawa ng masarap na sawsawan of your choice. Dip, bite, and enjoy the flavors of the sea. - Fried Tanigue
Hindi kumpleto ang Labor Day festivities kung hindi sagana ang seafood sa mesa! Para ma-experience ang summer saya na tila nasa tabi ka ng dalampasigan, subukan itong Fried Tanigue recipe. Hindi lang ito malinamnam—mainam pa sa kalusugan dahil siksik sa omega-3 fatty acids at protina. Para mas ramdam ang tropical vibe na hatid ng tag-init, maghiwa ng manga at gumawa ng salsa na kikiliti sa inyong mga panlasa. Get the full recipe here: - Chili Squid
Turn up the heat with Chili Squid, ang ulam na magpapainit ng samahan at bonding experience niyo sa bahay. Madali lang lutuin pero umaapaw sa flavor. Pro tip: ‘wag kalimutan ang sili, bell peppers, at sibuyas para mas lumitaw ang anghang linamnam ng inihaw na posit. - Inihaw na Liempo
May mas bibida pa bas a star ng bawat excursion? Itabi niyo dahil eksena ito ng paborito nating Inihaw na Liempo. Bagay ito sa anumang inumin at maaaring ulamin o papakin. Paano ng aba mailalabas ang magical flavor nito? Timplahin ang karne gamit ang bawang, paminta, at tanglad, at saka ihawin sa nagbabagang uling nang ma-achieve ang smoky taste nito.
Sa pamamagitan ng mga recipes na ito, kayang-kayang gawing puno ng saya ang pagsasama-sama sa bahay ngayong Labor Day. Hindi kailangan gawing kumplikado ang salu-salo. At the end of the day, ang nagpapasaya sa summer bonding ay ang pagsasama-sama ng buong barkada o pamilya. Yayain na sila at dalhin ang summer festivities at home. Gawing magical ang gathering with MAGGI®.