Try these restaurant-style recipes na madaling lutuin sa bahay para ma-impress ang buong pamilya sa cooking skills mo! Sa lahat ng restaurant-style recipe, huwag kalimutan ang MAGGI® MAGIC SARAP® para sa dagdag sa sarap at aroma!
- Samgyupsal and Kimchi Fried Rice (Bokkeumbap)
Sikat ngayon ang Samgyupsal o isang Korean dish na may mga malalasang inihaw na karne. Siguradong mag-e-enjoy ang buong pamilya kapag dinala mo ang experience na ito sa bahay ninyo. Para sa extra special na kainan, ipares ito sa Kimchi Fried Rice (Bokkeumbap)!
Ingredients:
- ¼ kg pineapple juice
- 2 tbsp soy sauce
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 2 sili, sliced
- 1 tbsp bawang, chopped
- 1 tbsp luya, grated
- ¼ cup sesame oil
- 1 kg samgyupsal
Procedure:
- Ipaghalo ang mga sangkap at i-marinade ang samgyupsal dito.
- Iwanang naka-marinade ang samgyupsal nang isang oras o hanggang ready na itong iluto. Ihawin sa charcoal grill o ipan-fry hanggang maging golden brown.
- Kimchi Fried Rice (Bokkeumbap)
Ingredients:
- 4 pcs bacon, chopped
- 2 tbsp bawang, chopped
- 1 sibuyas, sliced
- 1 cup Kimchi, chopped
- 3 cups kanin
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- ¼ cup Shiitake mushrooms, sliced
- ¼ cup Enoki mushrooms
- 2 tbsp chili paste (optional)
Pinritong itlog
Procedure:
- Lutuin ang bacon hanggang ma-extract ang taba. Igisa ang bawang at sibuyas sa taba ng bacon hanggang maging translucent.
- Ihalo ang kimchi, sunod ang rice. Lagyan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at haluin nang mabuti.
- Idagdag ang mga mushroom at chili paste ayon sa panlasa (optional). Lutuin habang hinahalo nang isang (1) minuto.
- Kung gugustuhin, lagyan ng piniritong itlog sa taas bago ihain.
Chicken Teriyaki
Isa sa mga pinaka-sikat na Japanese dishes ang Chicken Teriyaki! Sa lambot ng chicken at saktong tamis ng Teriyaki sauce na pwede mo pang i-level up ang sarap with MAGGI® MAGIC SARAP®, mas mapapadalas na ang pagkain niyo sa bahay.
Ingredients:
- 2 cloves bawang, minced
- 1 maliit na luya, minced
- 1 pc sibuyas, minced
- 2 tbsp vegetable oil
- 2 tbsp mirin
- ¼ cup brown sugar
- 1 cup tubig
- ¼ cup soy sauce
- ¼ tsp paminta
- 1 tsp sesame oil
- ½ sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- ½ kg manok, walang buto
- 1 tbsp sliced spring onion
- 1 tbsp toasted sesame seeds
Procedure:
- Igisa ang bawang, luya, at sibuyas sa mantika. Idagdag ang mirin, asukal, tubig, soy sauce, paminta, at sesame oil. Pakuluin hanggang lumapot nang kaunti. Ipaghati sa dalawang lalagyan at itabi.
- Lagyan ng MAGGI® MAGIC SARAP® ang manok at pahiran ng teriyaki sauce ang isang side. Ihawin nang tatlo (3) hanggang apat (4) na minuto bawat side habang pinapahiran ng teriyaki sauce.
- Hiwain nang pira-piraso ang chicken at ilipat sa isang plato. Budburan ng spring onions at sesame seeds.
- Pumpkin and Sweet Potato Soup
Karamihan ng mga restaurant ay may Pumpkin and Sweet Potato Soup. Sa tulong ng recipe na ito, makaka-enjoy na ang pamilya ng masarap na sabaw na pwedeng ihanda tuwing rainy days na mas pasasarapin ang pagtambay niyo sa bahay!
Ingredients:
- ¼ tsp ground nutmeg
- 1 tsp ground coriander
- ¼ kg chopped sweet potato (kamote)
- ¼ tsp freshly ground pepper
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 4 cups water
- 1 tbsp olive oil
- 2 tbsp sunflower seeds, lightly toasted
- 4 tbsp NESTLÉ® Yogurt
- ½ kg chopped pumpkin
- 2 tsp minced cilantro
- ¼ cup sliced shallots
Procedure:
- Igisa ang shallots, pumpkin, at sweet potato sa olive oil. Idagdag ang ground coriander.
- Buhusan ng tubig at pakuluan hanggang lumambot. Ilipat sa blender at i-puree hanggang kuminis. Muling pakuluan at i-season ng MAGGI® MAGIC SARAP® at pepper.
- Ilipat sa serving bowl at lagyan ng sunflower seed, cilantro, at NESTLÉ® Yogurt.
- Pan Roasted Pork Tenderloin with Mustard Cream Sauce
Hahanap-hanapin niyo ang Pan Roasted Pork Tenderloin with Mustard Cream Sauce kahit isang beses niyo pa lang natikman. Dahil sa kumpletong pampasarap galing sa herbs, mustard, at MAGGI® MAGIC SARAP®, mabilis ito maging all-time favorite.
Ingredients:
- ¼ cup NESTLÉ® All Purpose Cream
- 2 sprigs thyme, picked
- ¼ cup water
- 1 ½ sachets 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 2 cloves garlic, sliced
- ½ kg trimmed pork tenderloin
- 1 tbsp prepared mustard
- 1 tbsp minced parsley
- ½ tsp dried sage
- ¼ tsp freshly ground pepper
- 2 tbsp olive oil
Procedure:
- Ibabad ang pork sa pinaghalong 1 sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP®, pepper, garlic, thyme, at sage ng isang gabi sa loob ng refrigerator. Tanggalin ang garlic, thyme, at sage.
- Igisa ang pork sa olive oil hanggang maging golden brown. Itabi ito.
- Sa kawali, mag-dagdag ng mustard at tubig. I-season ito ng natitirang ½ sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP®. Idagdag ang NESTLÉ® All Purpose Cream at parsley.
- Hiwain ang pork tenderloin, ilipat sa plato, at ihain nang may sauce.
Ang Pan Roasted Chicken ay isang certified classic sa mga restaurants. Napapasarap ang chicken dahil sa halo ng mga herbs at spices, dagdag pa ang ALL-in-ONEderful MAGGI® MAGIC SARAP®.
Ingredients:
- 1 pc buong manok, butterflied, cut back bone into pieces
- 3 sachets 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 1 tsp paminta
- 4 tbsp mantikilya
- 1 ulo ng bawang, minced
- 1 pc lemon, zest and juiced
- 2 tbsp parsley, minced
- 2 tbsp olive oil
- 2 pcs sibuyas, cut into wedges
- 1 pc karot, cut into pieces
- 2 stalks kintsay, cut into pieces
- 2 tbsp harina
- 3 cups tubig
- 1 pc bay leaf
- 1 tsp dried thyme
Procedure:
- I-season ang manok gamit ang 2 sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP® at ½ tsp. ng paminta. Ipaghalo ang mantikilya, bawang, lemon zest, at parsley sa isang bowl. Ipahid ito sa pagitan ng balat at karne ng chicken. Ilagay sa refrigerator nang isang gabi. Ilabas ito isang oras bago ito lutuin.
- I-sear ang parehong side sa olive oil hanggang maging golden brown. Tanggalin at itabi.
- Igisa ang back bone, sibuyas, karot, at kintsay sa isang kawali. Ilagay ang chicken sa kawali skin side up, takpan at iluto sa low heat nang labinlimang (15) minuto. Tanggalin ang chicken at itabi upang mag-rest. Hiwain.
- Ihalo ang flour sa kawali. Ibuhos ang tubig, idagdag ang bay leaf at thyme at pakuluan hanggang lumapot. Isalin ito sa saucepan at i-season gamit ang natitirang sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP®, ½ tsp ng pepper, at lemon juice. Ibuhos ito sa isang serving bowl at ihain kasama ng chicken.
Naghahanap ba kayo ng Chinese-style food? Ang General Tso's Chicken ay perfect para sa mga mahihilig sa hint of spice at zest na galing sa pinagsamang garlic at ginger.
Ingredients:
- ¾ kg hita ng manok, boneless at skinless, cut into 1-inch pieces
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- ¼ cup Chinese rice wine
- 2 tbsp soy sauce
- 1 cup harina
- 2 cups vegetable oil for frying
- 1 tbsp cornstarch, nilusaw sa 1 tbsp tubig
- 4 cloves bawang, minced
- 1 maliit na luya, minced
- 4 pcs buong sili
- 3 tbsp rice wine vinegar (optional)
- ¼ cup soy sauce
- ¼ cup brown sugar
- ¼ cup tubig
- 1 stalk scallions, sliced
Procedure:
- Ibabad ang manok sa pinaghalong MAGGI® MAGIC SARAP®, Chinese rice wine, at soy sauce nang tatlumpung (30) minuto. Lagyan ito ng harina at i-prito ito sa pinainit na mantika hanggang maging golden brown. Ilipat ito sa cooling rack para i-drain ang sobrang mantika.
- Bawasan ang mantika sa kawali hanggang matira ang 2 tbsp. Igisa ang bawang, luya, at dried sili. Buhusan ng Chinese rice wine, rice wine vinegar (optional), soy sauce, asukal, at tubig. Ihalo ang mixture ng cornstarch at tubig at pakuluan hanggang lumapot ang sauce.
- Idagdag ang fried chicken at lutuin ang isang (1) minuto pa. Ilipat sa plato at budburan ng scallions.
Isa sa mga masasarap na dish to share with the family ang Beef with Mushroom. Patok din ito sa mga Chinese restaurants. Ang sikreto sa pagluto nito ay ang paggamit ng MAGGI® Oyster Sauce, Chinese rice wine, at MAGGI® MAGIC SARAP® para sa dagdag na sarap at aroma.
Ingredients:
- ½ kg beef tenderloin or sirloin sliced 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 3 tbsp vegetable oil
- 4 cloves bawang, minced
- 1 pc sibuyas, sliced
- ¼ cup Chinese rice wine
- 3 tbsp MAGGI® Oyster Sauce
- 1 tbsp asukal
- 1 cup button mushroom, sliced
- 1 cup sitsaro, trimmed
Procedure:
- I-season ang beef gamit ang MAGGI® MAGIC SARAP®. Igisa ito sa 2 tbsp. ng mantika. Tanggalin at itabi.
- Igisa ang bawang at sibuyas sa natitirang mantika. Idagdag ang rice wine, MAGGI® Oyster Sauce, at asukal. Idagdag ang mushroom, sitsaro, at ang nilutong beef. Iluto muli nang isang (1) minuto. Ilipat sa serving plate at ihain.
Hindi rin mawawala ang silog sa mga restaurant favorites! Syempre, isa sa mga pinakasikat na variant ang Adobo Flakes dahil sa crispy texture nito na nagbibigay ng much-welcomed twist sa nakasanayang homemade adobo.
Ingredients:
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- ¼ cup spiced vinegar
- ¼ tsp paminta
- ½ kg pork shoulder (kasim), cut into pieces
- 1 pc bay leaf
- 2 tbsp soy sauce
- 1 ulo ng bawang, crushed
- ¼ cup suka
- 2 tbsp vegetable oil
- 1 cup tubig
Procedure:
- I-season ang pork gamit ang MAGGI® MAGIC SARAP®. Igisa ito kasama ng garlic sa 1 tbsp. ng mantika hanggang maging golden brown.
- Ibuhos ang vinegar, soy sauce, at tubig. Dagdagan ito ng bay leaf at pepper at pakuluan hanggang lumambot. Itabi sa refrigerator nang isang gabi.
- Himayin ang pork at itabi. Igisa sa mantika hanggang maging crispy. Ilipat sa serving plate at ihain kasama ng kanin, prinitong itlog, at maanghang na suka.
Ang Creamy Burger Patty ay paborito ng mga kids at parents alike! Ang flavorful na burger patties ay perfect combination sa napaka-rich at creamy na sauce.
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 1 tbsp harina
- 10 pcs prepared burger patty
- 2 pcs bawang, minced
- 1 pc maliit na sibuyas, cut into strips
- ¼ cup button mushroom, sliced
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 1¼ cups tubig
- ¼ cup NESTLÉ® All Purpose Cream
- 1 tsp parsley, minced
Procedure:
- Iprito ang mga patty hanggang maging golden brown. Tanggalin sa kawali at itabi.
- Igisa ang bawang, sibuyas, at mushroom sa unang kawali. Magdagdag ng harina at iluto ng 1 pang minute. Haluan ng tubig at ipakulo. Lagyan ng MAGGI® MAGIC SARAP®.
- Ilagay ang burger muli sa kawali at ipakulo nang dalawang (2) minuto. Ihalo ang Nestlé® All Purpose Cream at parsley. Ilipat sa serving plate at ihain.
Isa sa mga madalas hanapin sa mga restaurant ay ang Pork Sisig. Madali na lang ma-achieve ang sarap na pang-restaurant sa tulong ng mga spices at MAGGI® MAGIC SARAP®.
Ingredients:
- 1 kg pisngi ng baboy, blanched
- 2 pcs bay leaves
- 1 tbsp black peppercorn
- 2 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 3 tbsp vegetable oil
- ¼ kg atay ng manok
- ½ pc calf brain, veins removed and rinsed
- 4 cloves bawang, minced
- 2 pcs sibuyas, chopped
- 2 pcs siling pula, sliced
- 2 tbsp calamansi juice
- 1 tbsp brown sugar
- ¼ tsp paminta
- 3 tbsp MAGGI® Savor Classic
Procedure:
- Pakuluan ang baboy sa tubig na may bay leaves at peppercorn hanggang lumambot. Isalin at itabi upang lumamig. Hiwain nang makakapal na piraso at i-season ng isang sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP®. Pahiran ng 2 tbsp. ng mantika. Ihawin ito hanggang maging golden brown. Tadtarin ito at itabi.
- I-season ang chicken liver gamit ang ½ sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP®. Pahiran ng 1 tbsp. ng mantika at ihawin hanggang maging golden brown. Tadtarin ito at isama sa pork.
- Pakuluan ang calf brain nang sampung (10) minuto. Tadtarin ito at idagdag sa pork and liver.
- Ipagsama ang bawang, sibuyas, at sili. Lagyan ng natitirang ½ sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP®., MAGGI® Savor Classic, calamansi juice, asukal, at paminta. Dahan-dahang ipaghalo. Magpainit ng malinis na sizzling plate, ilagay ang 1 cup ng sisig at ihain agad.
Hindi niyo na kailangang lumayo para kumain ng super yummy at restaurant-style na pagkain. Gumamit ng ng mga pinakasariwa at high-quality ingredients, lagyan din ng konting diskarte, para ma-achieve ang restaurant-worthy na ulam. At para mag-level up sa sarap ang luto sa bahay, gamitin ang MAGGI® MAGIC SARAP® sa bawat dish!