Buti na lang nandito ang MAGGI® MAGIC SARAP® para padaliin ang iyong pagluluto! Dahil gawa ito sa fresh garlic, onion, real meat and spices, ito ang kumpletong pampasarap para siguradong magugustuhan ng pamilya ang kakaibang twist na gagawin mo sa iyong lutuin.
Basahin ang aming cooking tips para malaman mo kung papaano mo malalagyan ng sariling twist ang mga classic Filipino dishes na paborito ng pamilya.
Syempre, hindi mawawala ang patok na dish na ito! Laging hinahanap ng mga Pinoy ang pinaghalong sarap ng alat, tamis at asim ng Adobong Manok. Para maiba naman, pwede mo itong lutuin gamit ang suka at asin. Ang resulta? Katakam-takam na Adobong Puti.
Pwede mo ring gamitan ng MAGGI® Oyster Sauce ang iyong adobo para bigyan ng extra texture at thickness ang sauce nito. Siguradong matatakam ang buong pamilya sa ihahanda mong Pork Adobo with MAGGI® Oyster Sauce! Kung gusto mo naman ng naghahalong tamis at alat, pwede mong dagdagan ng pinya ang iyong chicken adobo para sa masarap na Chicken Pork Adobo with Pineapple.
Last but not the least, gamit ang NESTLÉ All Purpose Cream, pwede ka nang makagawa ng Creamy Chicken Adobo sa Puti para sa mas rich at yummy ang lasa ng kakainin niyo.
Nagsasawa na ba ang pamilya sa piniritong isda? May dalawang paraan para i-level up ang nakasanayang pritong isda! Kung gusto mong sabawan ng kamatis at dagdagan ng itlog, pwede kang magluto ng Fish Sarciado. Kung gusto mo naman ng mas malinamnam na sarsa na may halong peanut butter, Fish Kare Kare naman ang ihanda mo. Syempre, wag kalilimutang lagyan ng MAGGI® MAGIC SARAP® ang mga lutuin para sa dagdag sarap at aroma!
Ang hotdog ay isa sa mga ulam na tiyak namang paborito ng mga bata. Para paniguradong di sila magsasawa, pwede mong gawan ng Tortang Hotdog version ang dish na ito. Gamit ang itlog, hotdog slices, at MAGGI® MAGIC SARAP®, siguradong lagi nila itong ipapabaon sa eskwela o ire-request na almusal sa umaga.
Maraming paraan para bigyan ng twist ang fried chicken. Una, pwede mong i-try ang Lemongrass Chicken. Nanunuot ang lasa ng tanglad at iba’t ibang spices sa laman ng manok sa recipe na ito.
Kung gusto mo naman ng mas manamis-namis at crispy na balat, solve na kayo sa Glazed Fried Chicken. Hindi rin naman pahuhuli ang nakakabusog at maalat-alat na Garlic and Butter Chicken na siguradong magugustuhan ng lahat sa pamilya.
Bukod sa ordinaryong ginataang gulay na may sitaw at kalabasa, subukan mo ang Ginataang Puso ng Saging para ma-enjoy ninyo ang ginataan twist sa nakasanayang gulay.
Isa pang kakaibang pagluto sa ginataang gulay ay ang Ginataang Pinakbet. Hindi mo aasahang ang lutuin na ito ay bagay sa gata—pero talaga namang napakasarap!
Ang sinigang ay madalas na iluto sa baboy, pero pwede mong ibahin ang main ingredient paminsan-minsan. Kung mahilig ang pamilya sa seafood, pwede mong subukan ang Sinigang na Sugpo sa Sampaloc. Gamit ang MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampalok Mix, siguradong level up ang sarap ng sabaw ng sinigang mo.
Isa pang version ay ang Fish and Shrimp Sinigang na may pinagsamang sarap ng isda at hipon na para sa total seafood sinigang goodness. Syempre, hindi rin pahuhuli ang pork! Meron ding Sinigang na Lechon with Gabi na pwede mong gamitan ng MAGGI® MAGIC SINIGANG® Sampalok With Gabi Mix para sa kakaibang tamis-asim na ikakatuwa ng iyong pamilya.
Kinalakihan na ng mga bata tuwing umaga ang pagkain ng piniritong itlog sa almusal. Imbis na egg sandwich ang ihain mo, pwede mong subukan ang Eggs in a Basket. Plus points ka pa sa mga chikiting para sa creative presentation nito. Bukod sa masarap na, masustansya pa!
Kung mahilig sa mga egg dish ang pamilya, hindi mawawala ang torta sa hapagkainan. Merong tatlong masarap na paraan para ihain ito.
Ang All-in-One Tortang Giniling na ito ay may halong giniling at spices para mapasarap ang iyong ihahain. Kung gusto mo ng mabigat pa rin sa tiyan pero walang karne, ang All-in-One Torta de Patata naman ang pwede mong ihanda. Last but not the least, ang All-in-One Tortang Corned Beef ay siguradong swak sa panlasa ng mga corned beef lovers.
Ang corned beef ay isa pang paboritong comfort food ng mga Pilipino. Madali itong lutuin at talaga namang masarap ulamin o ipalaman sa tinapay. Sa pagdagdag lang ng maliliit na hiniwang patatas, level up na ang Ginisang Corned Beef mo. Syempre, isang sachet lang din ng MAGGI® MAGIC SARAP® ang kailangan mo para sa All-in-ONEderful at masarap na lutuin para sa pamilya.
Gamit ang MAGGI® MAGIC SARAP®, marami kang mga classic dishes na pwedeng gawing mas exciting at lalong pasarapin kahirap-hirap. Ang mga easy-to-follow dishes na ito ay pwede mo pang balik-balikan para mayroon ka laging fresh ideas sa kung ano ang ihahanda para sa iyong pamilya.