Bukod sa all-time favorite natin na Pork Sinigang, marami pang variations ang classic Filipino dish na ito. Kaya para sa mga families na mahilig sa sinigang, ito ang list ng mga top sinigang recipes —mula sa pinaka-simple hangang sa may pinakamaraming ingredients. Para mas pinarasarap at level-up ang sarap ng paboritong sinigang, gumamit ng MAGGI® Magic Sinigang!
Pork Sinigang sa Sampalok
Ibang level ng asim naman ang hatid ng Pork Sinigang sa Sampalok na gustong-gusto nating mga Pinoy dahil sa natural na lasa ng sampalok, lalo na kapag gamitan mo ng MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampalok Mix, na tamang balanse ng asim at linamnam!
Ingredients:
- ½ kg pork spare ribs, cut pieces, blanched
- 5 cups tubig
- 1 pc sibuyas (medium), quartered
- 2 pcs kamatis, quartered
- 1 pc siling haba
- ½ cup labanos, sliced
- ½ cup okra, sliced
- ½ cup sitaw, sliced
- 1 sachet 22g MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampalok Mix
- 1 tbsp patis
- 1 cup picked leaves and tender stems of kangkong
Procedure:
- Pakuluan ang pork sa tubig kasama ng sibuyas at kamatis. Iwanan ng apat na pu't limang minuto (45) minuto.
- Idagdag ang siling haba, labanos, okra, at sitaw na may dalawang (2) minutong agwat.
- Ibuhos ang MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampalok Mix at patis.
- Ihalo ang kangkong. Ilipat sa serving bowl at ihain.
Sinigang na Pata
Sure hit sa kids ang Sinigang na Pata na perfect lutuin tuwing weekend para sa kakaibang pork sinigang experience. Bukod sa mas malasang pork pata, ang sabaw nito ay mas malapot. Perfect para sa malamig na panahon!
Ingredients:
- 1 kg sliced pork pata (front), blanched
- 6 cups tubig
- 1 pc sibuyas (medium), quartered
- 2 pcs kamatis, quartered
- 2 pcs gabi, peeled and quartered
- 1 pc siling haba
- ½ cup 50g labanos, biased
- ½ cup 50g okra, biased
- ½ cup 50g 2-inch pieces sitaw
- 1 sachet 22g MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampalok Mix
- 1 tbsp patis
- 1 tbsp brown sugar
- 1 cup 50g picked leaves and tender stems of kangkong
Procedure:
- Pagsamahin ang karne at tubig sa isang kaldero. Pakuluan nang isang (1) oras. Idagdag ang sibuyas, kamatis, gabi at siling haba at i-simmer hanggang lumambot ang karne.
- Tanggalin ang gabi, durugin at ihalo sa sabaw upang lumapot ito.
- Idagdag ang labanos, okra at sitaw na may dalawang minutong agwat.
- Ibuhos ang MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampaloc Mix, patis at brown sugar. Ihalo ang kangkong. Ilipat sa erving bowl at ihain.
Beef Sinigang
Di lang pork ang paborito nating ihalo sa sinigang. Nandiyan din ang beef para sa kakaibang level ng sinigang experience. Kahit mas madalas ginanamit ang karne ng baka sa nilaga, swak din ang sarap nito sa asim ng sinigang. Siguradong hit itong Beef Sinigang sa buong pamilya!
Ingredients:
- ½ kg beef kenchi (boneless bulalo), cut into 1 ½-inch cubes and blanched
- 6 cups tubig
- 1 sibuyas (small), quartered
- 2 pcs kamatis, quartered
- 1 pc siling haba
- 2 pcs gabi (medium), quartered
- 1 pc talong, biased
- 2 pcs sitaw, cut into 2-inch pieces
- 1 sachet 22g MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampalok Mix
- 1 tbsp patis
- 1 cup 50g picked leaves and tender stems of kangkong
Procedure:
- Ilagay ang karne sa isang kaldero. Buhusan ng tubig. Habang pinakukuluan, gamitin ang sandok para salukin ang lumulutang na sebo at ibang latak habang naka-takip nang isa’t kalahating (1 ½) oras. Dagdagan ng tubig kung kinakailangan.
- Idagdag ang sibuyas, kamatis, siling haba, at gabi. Ipagpatuloy ang pag-simmer hanggang malambot na malambot na ang karne. Durugin ang ibang piyesa ng gabi upang lumapot ang sabaw.
- Ilagay ang talong at sitaw at pakuluan pa nang dalawang (2) minuto. Ibuhos ang MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampalok Mix at patis.
- Ihalo ang kangkong. Ilipat sa isang serving bowl at ihain agad.
Sinigang na Lechon with Gabi
Ito extra special talaga! Sa init at asim ng sinigang kasama ng linamnam at sarap ng lechon, magiging handaan na ang bawat hapunan with the family kapag may Sinigang na Lechon with Gabi!
Ingredients:
- 1 pc sibuyas (medium), quartered
- 2 pcs kamatis, quartered
- 2 stalks lemongrass, 1-inch biased
- 1 pc siling haba
- 4 cups tubig
- 1/2 cup 50g labanos, biased
- 1/2 cup 50g okra, biased
- 1/2 cup 50g 2-inch pieces sitaw
- 1 sachet 22g MAGGI® MAGIC SINIGANG® Sampalok With Gabi Mix
- 1 tbsp patis
- 1 tbsp brown sugar
- 1/2 kg lechon, cut into serving pieces
- 1 cup 50kg picked leaves and tender stems of kangkong
Procedure:
- Ipagsama ang sibuyas, kamatis, lemongrass, siling haba at tubig sa isang kaldero. Pakuluan ito at i-simmer habang nakatakip nang sampung (10) minuto.
- Idagdag ang labanos, okra at sitaw na may dalawang minutong agwat.
- Ibuhos ang MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original with Gabi, patis at asukal. Idagdag ang lechon at i-simmer nang dalawang (2) minuto.
- Ihalo ang kangkong. Ilipat sa serving bowl at ihain.
Sinigang na Oxtail
Another special meat sinigang--ang Sinigang na Oxtail! Madalas ginagamit ang oxtail sa kare-kare. Pero masarap din itong gawing main ingredient sa sinigang. That’s right! I-level up ang iyong Beef Sinigang with oxtail meat! Malapot ang sabaw nito at may karneng halos matunaw sa lambot.
Ingredients:
- 8 cups tubig
- 2 tbsp vegetable oil
- 4 cloves bawang, crushed
- 1 luya (thumb-size), julienned
- 1 pc sibuyas (medium), quartered
- 2 pcs kamatis, quartered
- 1 pc siling haba
- 1 tbsp patis
- ½ cup 50g labanos, biased
- ½ cup 50g okra, biased
- ½ cup 50g 2-inch pieces sitaw
- 1 sachet 22g MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampalok Mix
- 1 cup 50g picked leaves and tender stems of kangkong
Procedure:
- Ilagay ang oxtail sa isang kaldero at lagyan ng tubig hanggang malublob ito. I-gentle simmer ito at iluto ng nakatakip nang dalawang (2) oras. Isalin ang oxtail at itabi. Itabi din ang stock.
- Ipagsama ang mantika at bawang sa isang kaldero. Igisa ito hanggang maging golden brown. Idagdag ang luya, sibuyas, kamatis at siling haba. Iluto nang dalawang (2) minuto. Ilagay ang malambot na oxtail at patis. Dahang-dahang ihalo at iluto nang limang (5) minuto. Ibuhos ang stock and ituloy ang pag-simmer hanggang malambot na malambot ang oxtail.
- Idagdag ang labanos, okra at sitaw ng may dalawang minutong na agwat.
- Ibuhos ang MAGGI® MAGIC SINIGANG. Ihalo ang kangkong. Ilipat sa serving bowl at ihain.
Sinigang na Isda sa Miso
I-level up ang sarap ng fish sinigang by adding a special ingredient--miso. Sa Sinigang na Isda sa Miso, pinaghalo ang sour flavor ng sinigang at ang salty ang savory taste ng miso. Siguradong instant favorite ito ng pamilya!
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 4 cloves bawang, crushed
- 2 thumb-size luya, julienned
- 1 pc sibuyas, quartered
- 2 pcs kamatis, quartered
- 1 pc siling haba
- ½ cup yellow or white miso paste
- 5 cups tubig
- 1 sachet 22g MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampaloc Mix
- 1 tbsp patis
- 1 tbsp brown sugar
- ½ kg cleaned maya-maya steaks
- 1 bundle mustasa, rinsed, drained and cut into pieces
Procedure:
- Mag-init ng mantika sa isang kaldero. Igisa ang bawang, luya, sibuyas, kamatis, siling haba at miso nang sampung (10) minuto. Ibuhos ang tubig, pakuluan, gamitin ang sandok para salukin ang lumulutang na sebo at ibang latak habang nakatakip nang sampung (10) minuto.
- Ibuhos ang MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampalok Mix, patis at asukal. Idagdag ang maya-maya at i-simmer ang limang (5) minuto.
- Ihalo ang mustasa. Ilipat sa serving bowl at ihain.
Fish and Shrimp Sinigang
Seafood goodness din ang dala ng Fish and Shrimp Sinigang na para bang Fish Sinigang at Shrimp Sinigang combo! Tiyak na ubos ang ulam sa winning combination ng tanigue at hipon na pinaghalo sa sabaw ng sinigang.
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 8 pcs large shrimps, remove head and deveined
- 4 cloves bawang, crushed
- 2 thumb-size luya, julienned
- 1 pc sibuyas, quartered
- 2 pcs kamatis, quartered
- 1 pc siling haba
- 5 cups tubig
- ½ cup 50g labanos, biased
- ½ cup 50g okra, biased
- ½ cup 50g 2-inch pieces sitaw
- 1 sachet 22g MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampalok Mix
- 1 tbsp patis
- 1 tbsp brown sugar
- ¼ kg tanigue steaks
- 1 cup 50g picked leaves and tender stems of kangkong
Procedure:
- Magpainit ng mantika sa isang kaldero at igisa ang mga shrimp heads. Durugin ang mga ito para lumabas ang flavor. Idagdag ang bawang, luya, sibuyas, kamatis at siling haba. Igisa nang dalawang (2) minuto.
- Buhusan ng tubig, ipakulo ito, at gamitin ang sandok para salukin ang lumulutang na sebo at ibang latak. I-simmer nang tatlumpung (30) minuto. Tanggalin ang mga shrimp heads.
- Ilagay ang labanos, okra at sitaw na may dalawang minutong agwat.
- Ibuhos ang MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampalok Mix , patis at asukal.
- Ihalo ang tanigue at kangkong. Ilipat sa serving bowl at ihain.
Seafood Sinigang
Di na bago sa atin ang shrimp sinigang, but this one is a different take on your favorite. Para sa full seafood experience, pwede mo ihalo ang tahong at squid sa hipon. Buong pamilya masasarapan sa winner na sabaw ng Seafood Sinigang na ito at sarap ng sariwang shellfish at squid. Siguradong babalik-balikan niyo ito!
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 1 luya (thumb-size), julienned
- 1 stalk white part of lemongrass, biased
- 1 pc sibuyas (medium), sliced
- 2 pcs kamatis, sliced
- 1 pc siling panigang
- 1 tbsp patis
- 4 cups tubig
- 1 cup 100g labanos, biased
- 1 sachet 22g MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampalok Mix
- ¼ kg hipon, trimmed medium
- ½ kg medium mussels
- ¼ kg pusit (large), cleaned and cut into rings
- 1 cup 50g picked leaves and tender stems of kangkong
Procedure:
- Painitin ang vegetable oil sa isang kaldero at ilagay ang luya, lemongrass, sibuyas, kamatis at siling panigang. Igisa nang dalawang (2) minuto. Dagdagan ng patis. Buhusan ng tubig, ipakulo, at gamitin ang sandok para salukin ang lumulutang na sebo at ibang latak at i-simmer. Pour water, bring to a boil, skim the scum and simmer.
- Ihalo ang labanos at i-simmer nang limang (5) minuto. Buhusan ng MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampalok Mix. Ilagay ang hipon, mussels at pusit. Pabayaang mag-simmer ng isa pang minuto.
- Ihalo ang kangkong. Ilagay sa isang serving bowl at ihain.
Sinigang na Salmon
Mas pasarapin ang seafood sinigang sa unique taste at lambot ng salmon. Siguradong babalik-balikan niyo ang sarap ng Sinigang na Salmon!
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 4 cloves bawang, crushed
- 2 luya (thumb-size), julienned
- 1 pc sibuyas, quartered
- 2 pcs kamatis, quartered
- 1 pc siling haba
- 4 cups tubig
- ½ cup 50g labanos, biased
- ½ cup 50g okra, biased
- ½ cup 50g 2-inch pieces sitaw
- 1 sachet 22g MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampalok Mix
- 1 tbsp patis
- 1 tbsp brown sugar
- ½ kg salmon fillet, cut into serving pieces
- 1 cup 50g picked leaves and tender stems of kangkong
Procedure:
- Mag-init ng mantika sa isang kaldero. Igisa ang bawang, luya, sibuyas, kamatis, at siling haba nang sampung (10) minuto. Ibuhos ang tubig, pakuluan, gamitin ang sandok para salukin ang lumulutang na sebo at ibang latak habang nakatakip nang (10) minuto.
- Idagdag ang labanos, okra at sitaw na may dalawang minutong agwat.
- Ibuhos ang MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampalok Mix, patis at asukal. Ilagay ang salmon at i-simmer nang dalawang (2) minuto.
- Ihalo ang kangkong. Ilipat sa serving bowl at ihain.
Sinigang na Sugpo sa Gata
Additional twist o gata sa sinigang? Wny not? Sa Sinigang na Sugpo sa Gata, pinaghalo ang sarap ng ginataan na sugpo at ang iconic sangkap ng sinigang!
Ingredients:
- 4 cups tubig
- 1 pc sibuyas (medium), quartered
- 2 pcs kamatis, quartered
- 1 pc siling haba
- 1 stalk lemongrass (tanglad), pounded and tied
- 4 pcs gabi (small), peeled and quartered
- ½ kg cleaned medium prawns
- 1 cup coconut cream (gata)
- 1 sachet 22g MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampalok Mix
- 2 cups picked leaves and tender stems of kangkong
Procedure:
- Pakuluan ang sibuyas, kamatis, siling haba, lemongrass at gabi nang labinlimang (15) minuto.
- Idagdag ang sugpo at gata at i-simmer nang isang (1) minuto.
- Ibuhos ang MAGGI MAGIC SINIGANG® Original Sampalok Mix. Ihalo ang kangkong. Ilipat sa serving bowl at ihain.
Unforgettable ang sarap ng sinigang at sa dami ng kakaibang paghanda sa ulam na ito, tiyak na magiging exciting ang bawat kainan with the family!