Gawing All-in-ONEderful ang inyong dining experience with these nutritious and delicious soup + fried food combos! Budburan pa ito ng MAGGI® MAGIC SARAP® na gawa sa fresh onion and garlic plus real meat and spices para sa dagdag sarap at aroma!
- Seafood Tinowa + Fried Bangus
Ang Seafood Tinowa ay isang sikat na soup-based dish mula sa Visayas. Refreshing ito sa panlasa dala ng flavors mula sa tatlong uri ng seafood na hinahalo rito. Para sa fried food pairing nito, you could never go wrong sa Fried Bangus.
Ingredients:
- 6 cups tubig
- 1 luya (thumb-size), crushed
- 1 pc sibuyas, quartered
- 2 pcs kamatis, quartered
- 1 stalk tanglad, pounded and tied
- 1 pc siling haba
- ¼ kg hipon
- ¼ kg pusit, cleaned and sliced
- ¼ kg tanigue, sliced
- 2 sachets 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- ½ cup malunggay, picked
Procedure:
- Magpakulo ng tubig sa kaldero na may luya, sibuyas, kamatis, tanglad, at siling mahaba nang sampung (10) minuto.
- Ilagay ang hipon, pusit, at tanigue. Ihalo at timplahan ng MAGGI® MAGIC SARAP®.
- Isalin ang malunggay. Pagka-kulo, i-transfer ito sa serving bowl para ihain.
- Creamy Seafood Soup + Fried Chicken
Para sa creamy pero quick at easy na soup, subukan ang Creamy Seafood Soup. Hearty na, creamy pa. The best na fried pairing dito ang Fried Chicken dahil sa naglalabang crispy-sarap ng chicken at creamy-sarap ng seafood soup.
Ingredients:
- 1 pc carrot (small), chopped
- 3 tbsp vegetable oil
- 6 cups tubig
- 2 cloves ng bawang
- 1 pc sibuyas (small), chopped
- 3 tbsp harina, all-purpose
- 2 sachets 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- ¼ kg hipon, peeled and deveined, shells reserved
- ¼ kg pusit, cleaned and sliced
- 4 pcs crab sticks, sliced
- 1 pack 125ml NESTLÉ® All Purpose Cream
- 1 tbsp chopped parsley
Procedure:
- Igisa ang balat ng hipon sa 1 tbsp na mantika. Dikdikin ang balat ng hipon para makuha ang lasa at sarap ng katas nito. Buhusan ang pot ng tubig at pakuluin nang sampung (10) minuto. Pagkatapos, i-strain ito at i-set aside.
- Igisa ang bawang, sibuyas, at karot sa mantika. Ihalo ang harina at hayaang maluto nang dalawang (2) minuto. Pagkatapos, ihalo na ang shrimp stock, hintaying kumulo, at budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP®.
- Ilagay na ang hipon, pusit, and crab sticks. Unti-unting ibuhos ang NESTLÉ® All Purpose Cream at lagyan ito ng parsley. Ilipat sa serving dish para ihain.
- Chicken Sotanghon Soup + Fried Tilapia
Ibang klase talaga ang comfort na dala ng Chicken Sotanghon Soup lalo na sa mga panahong makulimlim ang langit. Pwedeng pwede rin itong ihain para sa mga chikiting pag-uwi nila galing school. Bagay na ka-partner nito ang Fried Tilapia para sa kumpletong sarap.
Ingredients:
- 4 cups tubig
- 100 g pecho, boneless
- 2 tbsp vegetable oil
- 2 tbsp atsuete (annatto seeds)
- 2 tbsp bawang, toasted
- 1 tbsp sliced spring onion
- 2 sachets 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 2 tsp patis
- 1/8 tsp pamintang durog
- 50 g sotanghon na binabad sa tubig
- ½ cup karot, strips
- 1 cup repolyo, shredded
- 4 cloves ng bawang, minced
- 1 pc sibuyas, cut into strips
Procedure:
- Pakuluan ang manok sa tubig. I-set aside ang manok para himayin at isalin sa lalagyan ng broth.
- Paghaluin ang mantika at annatto seeds at painitin ito nang limang (5) minuto. Pagkatapos, i-strain. Igisa ang bawang at sibuyas sa annatto oil.
- Isalin ang broth at pakuluan. Budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP®, patis, at paminta. Isalin ang sotangon at lutuin nang limang (5) minuto.
- Idagdag ang karot, repolyo, at manok at hayaang maluto. Isalin sa serving bowl at budburan ng toasted garlic at spring onion para ihain.
- Easy Chicken Sopas + Fried Liempo
Naghahanap ka ba ng soup na madaling lutuin at swak sa budget? Subukan mo ang Easy Chicken Sopas na hindi lang madaling lutuin, nutritious din. Samahan mo na rin ito ng Fried Liempo para sa meaty goodness na ikaliligaya ng pamilya.
Ingredients:
- ½ pc pecho, boneless
- 2 cups tubig
- 2 cloves ng bawang, minced
- 1 pc sibuyas (small), chopped
- 1 tbsp vegetable oil
- ¼ cup elbow macaroni pasta
- ¼ cup carrot, chopped
- 1 sachet MAGGI® MAGIC SARAP®
- ⅛ tsp pamintang durog
- ½ cup repolyo, chopped
Procedure:
- Magpakulo ng pecho sa tubig. Itabi ang broth at simulang himayin ang manok.
- Igisa ang bawang at sibuyas sa kaldero. Isalin ang broth ng manok at hayaang kumulo. Ilagay ang macaroni at carrot, at hayaang kumulo nang sampung (10) minuto.
- Budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at paminta, at isalin ang repolyo. Isalin sa serving bowl para ihain.
- Creamy Chicken Sopas + Fried Maya Maya
Dahil paborito ito ng lahat, hindi puwedeng mawala sa aming list ang Creamy Chicken Sopas na talaga namang paliligayahin ka sa kada higop nang sabaw. I-partner ito sa Fried Maya Maya for that complete experience.
Ingredients:
- 1 pc pecho, boneless
- 4 cups tubig
- 4 cloves ng bawang, minced
- 1 pc sibuyas, chopped
- 2 tbsp vegetable oil
- ½ cup elbow macaroni pasta
- ½ cup karot, chopped
- 2 sachets 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 1 pack 125ml NESTLÉ® All Purpose Cream
- 1 cup repolyo, chopped
Procedure:
- Magpakulo ng pecho sa tubig. Itabi ang broth at simulang himayin ang manok.
- Igisa ang bawang at sibuyas sa kaldero. Isama sa mixture ang broth at hayaang kumulo. Ilagay ang macaroni at karot. Pakuluan nang sampung (10) minuto.
- Budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP®. Ihalo ang NESTLÉ® All Purpose Cream at isalin ang repolyo. Ilipat ang sopas sa serving bowl para ihain.
- Creamy Pumpkin Soup + Garlic and Buttered Fried Chicken Wings
Subukan itong medyo fancy and oh-so-yummy na Creamy Pumpkin Soup. Para sa soup + fried combo, i-partner ito sa Garlic and Buttered Fried Chicken Wings. Ipakita mo na ang iyong cooking skills sa pamilya!
Ingredients:
- 1 pc sibuyas, chopped
- 4 cloves ng bawang, minced
- 2 tbsp vegetable oil
- ½ kg kalabasa, peeled, seeded, and sliced
- 3 cups tubig
- 2 sachets 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- ¼ tsp pamintang durog
- 1 pack 125ml NESTLÉ® All Purpose Cream
- 1 tbsp minced parsley
Procedure:
- Igisa ang sibuyas at bawang sa mantika. Ilagay ang kalabasa at lutuin nang sampung (10) minuto. Maglagay ng tubig at hayaang kumulo nang (10) minuto—’wag kalimutang takpan.
- Isalin ito sa blender at i-blend hanggang maging smooth ang texture. Pagkatapos, ibalik sa pinaglutuang kaldero.
- Budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at paminta. Haluan ng NESTLÉ® All Purpose Cream. Pakuluan nang may mababang apoy. Pagkatapos, isalin sa serving bowl para ihain.
- Chicken Mami + Lumpiang Shanghai
Para sa mga chikiting na naghahanap ng masarap na noodle soup, ipaghanda sila ng Chicken Mami. Samahan mo pa ito ng Lumpiang Shanghai para sa level up na dining experience.
Ingredients:
- 5 cups tubig
- 100 g pecho, boneless
- 2 sachets MAGGI® MAGIC SARAP®
- 2 cups egg noodles, blanched
- 1 pc karot (small), cut into strips
- 1 cup Pechay Baguio, shredded
- 2 pcs itlog, boiled and halved
- 1 tbsp bawang, toasted
- 1 tsp sliced spring onion
Procedure:
- Pakuluan ang manok sa tubig. Itabi ang broth at simulang himayin ang manok.
- Pakuluan ang broth at budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP® para sa dagdag sarap at aroma.
- Ilagay ng noodles, karot, at pechay Baguio. Isalin ang dish sa bowl. Top it with chicken, egg, toasted garlic, and spring onion bago ihain.
- Vietnamese-Style Sour Prawn Soup + Crispy Pork Ribs
Ready ka na bang ipakita ang cooking skills at diskarte mo? Subukan itong Vietnamese-Style Sour Prawn Soup. Siguradong papatok ito sa pamilya dahil sa taglay nitong asim. This is best served with Crispy Pork Ribs para i-complement ang asim ng soup.
Ingredients:
- 1 kg hipon (medium), peeled and deveined
- 5 cups tubig
- 2 tbsp vegetable oil
- ¼ cup sibuyas na mura
- 2 tbsp bawang, toasted
- 1 pc sibuyas, quartered
- 2 pcs kamatis, quartered
- 1 cup 100g biased okra
- 1 sachet 22g MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampaloc Mix
- 1 tbsp patis
- 1 tbsp brown sugar
- 1 cup togue
- 8 sprigs cilantro, picked (wansuy)
- 4 sprigs Thai basil, picked
Procedure:
- Igisa ang balat ng hipon sa mainit na kawali. Dikdikin ang balat ng hipon para makuha ang sarap ng katas nito. Maglagay ng tubig at pakuluan. Tanggalin ang dumi na namumuo sa ibabaw at pakuluin. Isalin sa kaldero.
- Maglagay ng sibuyas at kamatis. Takpan ito at hayaang kumulo nang sampung (10) minuto.
- Ilagay ang okra at pakuluan nang dalawang (2) minuto.
- Isalin ang MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampaloc Mix. Lagyan ng patis at asukal.
- Ilagay ang hipon at pakuluan nang isang (1) minuto. Ihalo ang togue at ilipat sa serving dish. Budburan ng scallions, cilantro, Thai basil, at toated garlic for garnish at saka ihain.
- Chicken Noodle Soup - Fried Labahita
Para sa madaling lutuin at budget-friendly na soup, subukan mo ang Chicken Noodle Soup. Samahan ito ng Fried Labahita at siguradong hahanap-hanapin ito ng buong pamilya.
Ingredients:
- ½ kg chicken back, skin removed and rinsed
- 5 cups tubig
- 2 cloves ng bawang, minced
- 1 pc sibuyas (small), chopped
- ½ cup karot, chopped
- ¼ cup chopped celery
- 2 tbsp vegetable oil
- 1 cup elbow macaroni
- 2 sachets MAGGI® MAGIC SARAP®
- 1 tbsp sliced spring onion
Procedure:
- Pakuluan ang chicken back sa tubig nang tatlumpung (30) minuto. Itabi ang broth at simulang himayin ang chicken.
- Igisa ang bawang, sibuyas, karot, at celery sa mantika. Isalin ang chicken broth at pakuluan.
- Ihalo ang macaroni at pakuluan ito nang sampung (10) minuto. Budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP®. Isalin ang hinimay na manok at spring onion. Ilipat sa serving dish at ihain.
- Pumpkin and Sweet Potato Soup + Breaded Porkchop
Kung naghahanap ka ng something different at mala-resto na soup, perfect itong Pumpkin and Sweet Potato Soup. Ihain ito kasama ng Breaded Pork Chop para restaurant-style ang dinner ng pamilya.
Ingredients:
- ¼ cup sibuyas na pula, sliced
- ½ kg kalabasa, chopped
- ¼ kg kamote, chopped
- 1 tsp ground coriander
- 4 cups tubig
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- ¼ tsp pamintang durog
- 2 tbsp sunflower seeds, lightly toasted
- 2 tsp minced cilantro
- 4 tbsp NESTLÉ® Yogurt
- ¼ tsp ground nutmeg
- 1 tbsp olive oil
Procedure:
- Igisa ang pulang sibuyas, kalabasa, at kamote. Maglagay ng ground coriander.
- Lagyan ito ng tubig at pakuluin hanggang sa lumambot ang mga sangkap. Pagkatapos, isalin sa blender at i-blend hanggang maging smooth ang texture. Ibalik sa kaldero at pakuluan. Budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at paminta.
- Isalin sa serving bowl at lagyan ng sunflower seeds, cilantro, at NESTLÉ Yogurt.
- Soup and Fried Dish Combos Para sa Kumpletong Sarap!ma
The best talaga ang power of two! Mas kumpleto ang experience lalo na kapag complementing ang lasa ng soup at fried dishes mo. I-partner mo na ang hearty soup recipes na ‘to sa favorite fried dishes ng pamilya malamig o mainit man ang panahon. Gumamit ng sariwang ingredients at ‘wag kalimutang budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP® para sa All-in-ONEderful soup and fried dish combos!